TV show ni Kris mapapanood sa Channel 9 o 13? | Bandera

TV show ni Kris mapapanood sa Channel 9 o 13?

Reggee Bonoan - March 03, 2017 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

MASAYA ang followers ni Kris Aquino nang ibalita ng TV host sa kanyang Instagram account ang nakatakda niyang pagbabalik sa telebisyon. Kanya-kanyang hula ang netizens kung saang TV network na siya mapapanood.

Post ni Kris, “Waited nearly a year, but FINALLY starting something NEW and celebrating with FAITH that my journey is taking me back to where I belong. (Taping starts Friday)#NaMissKoKayo#NaMissKoAngTrabahoKongMahal.”

Ngayong araw ang first taping day ni Kris at dahil sa hashtag niyang, #NaMissKoKayo at #NaMissKoAngTrabahoKongMahal, marami ang humuhula na mala-Kris TV rin ang format ng bago niyang programa.

Nabanggit ng Queen of All Media sa kanyang IG message ang mga salitang “where I belong” na tila may konek sa dating slogan ng GMA 7.

Puwedeng sa Kapuso Network na nga mapapanood si Kris kung ibabase sa nasabing slogan ng nasabing istasyon, pero kung iaanalisang mabuti ang hashtag niyang #NaMissKoKayo ay puwede ring bumalik na siya sa ABS-CBN.

Nagtanong naman kami kahapon sa mga TV executive na katsika ni Kris (nakasalubong namin sa ABS-CBN) pero pa wala raw silang alam dahil hindi nila nakakausap ang TV host, “No idea, kasi matagal na kaming hindi nagkakausap, ask her directly,” payo sa amin.

Hanggang sa may sitsit sa amin na ang producer daw ng bagong programa ni Kris ay si Kitchie Benedicto at posibleng mapanood daw ang programa ng TV host sa Channel 9 or 13.
Napaisip kami, papatusin ba ni Kris ang mga nabanggit na network?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending