Karahasan dapat sagutin ng karahasan | Bandera

Karahasan dapat sagutin ng karahasan

Ramon Tulfo - March 02, 2017 - 12:10 AM

HABANG ginigilitan ng leeg ang bihag na German national na si Juergen Kantner, sumisigaw ang mga Abu Sayyaf na namugot sa kanya ng “Allahu akbar, Allahu akbar!”

Ang ibig sabihin ng kanilang sinisigaw ay ang Diyos ay makapangyarihan.

Sa mga hindi Muslim, hindi nila maintindihan kung bakit binabanggit pa ang pangalan ng Diyos habang pinapatay nila ang kanilang kapwa tao.

Walang kasalanan si Juergen sa kanila maliban lang sa ayaw bayaran ng German government at ng kanyang pamilya ang hinihingi na ransom payment.

Tanging mga hayop lang ang makakagawa na patayin ang walang ginawang kasalanan na si Kantner at mga ibang bihag na naunang pinugutan din ng mga Abu Sayyyaf.

Kapag sila’y nahuli ay dapat din silang gilitan sa leeg.

***

Maraming netizens ang nagpapakalat ng video na nagpapakita ng pagpugot
kay Kantner.

Nakikiusap ang gobiyerno na huwag nang ikalat ang video na nagpapakita ng malagim na sinapit ng
German national sa mga kamay ng mga hayop na Abu Sayyaf.

Walang taong matino ang natutuwa na masdan ang nasabing video.

Ano kaya ang nararamdaman ng mga taong ito kung ang kanilang mahal sa buhay ang nasa nasabing video?

***

Hindi titigil ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa kanilang kabuktutan kapag hindi pantayan ng gobiyerno ang ginagawa nila sa kanilang mga bihag.

Dapat ay kidnapin din ang mga malalapit na kamag-anak ng mga bandidong ito at gawin din sa kanila ang ginawa sa mga bihag.

Ang mga lokal na opisyal at mga lider ng barangay o sitio na nagbibigay proteksiyon o nagtatago ng mga bandido ay dapat bigyan ng babala ng gobiyerno.

Dapat ay sampolan ng mga militar ang mga lokal na opisyal o lider ng mga barangay, purok o sitio na kumukopkop sa mga bandido.

Wala nang kukopkop sa mga bandidong ASG kapag masasampolan ang ilan.

***

Isa pang dapat gawin sa ASG ay kidnapin ng “lost command” ng militar ang kanilang mga malalapit na mga kamag-anak.

Kapag binihag ang mga nanay, tatay, kapatid, asawa at anak ng mga Abu Sayyaf ay mapipilitan silang itigil ang kanilang mga gawaing pambibihag.

Mas lalo na kapag pinatay din lahat ng kanilang mga kamag-anak matapos nilang patayin ang kanilang mga bihag.

Mata sa mata, ngipin sa ngipin—ito ang alam na lenguahe ng mga bandido.

***

Binalaan ng Pangulong Digong ang mga pulis na hindi sumama sa Basilan at iba pang mga tiwaling pulis na isa-isa silang papatayin.

Sa mahigit 300 tiwaling pulis na nakatakdang ipadala sa Basilan, mga 50 lamang ang sumipot at nasa Basilan na ngayon.

Huwag nilang maliitin ang banta ni Mano Digong dahil noong mayor siya ng Davao City, ilan ding mga abusadong pulis at sundalo ang nawala na parang bula o natagpuang patay sa mga sidestreets.

***

Hindi inaasahan ng pamilya ng 14-anyos na si Ivan Abalos na namatay matapos madaganan ng konkretong bakod sa Marikina City na pawang isang estranghero (stranger) ang tutulong sa kanila.

Pinangakuan ng kompanya ng Philip Morris cigarettes ang pamilya ni Ivan na tutulong sa gastusin sa kanyang pagburol at paglibing, ngunit hindi nito tinupad ang pangako.

Ang kompanya ng Philip Morris kasi ang may-ari ng bakod na natumba at nagdagan kay Ivan.

Sa halip, ang Wongchuking Foundation, na nagmamay-ari ng Mighty Cigarette Co., karibal ng Philip Morris, ang tumulong sa pamilya Abalos.

Matapos mabasa sa diyaryo ni Alex Wongchuking, president ng Wongchuking Foundation, ang sinapit ni Ivan ay nagpadala kaagad siya ng tauhan upang alamin kung ano ang maitutulong sa mahirap na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinagot ng foundation ang kabaong at lahat ng gastusin sa pagburol at pagpapalibing sa nasawing teenager.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending