Mga senador nagpulong sa bahay ni  Pacquiao bago ang reorganisasyon sa Senado | Bandera

Mga senador nagpulong sa bahay ni  Pacquiao bago ang reorganisasyon sa Senado

- February 28, 2017 - 03:27 PM

MANNY PACQUIAO

MANNY PACQUIAO

 

TINATAYANG 16 na senador ang nagpulong sa bahay ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa Makati City noong Linggo ng gabi para sa planong reorganisasyon ng Senado na nagresulta sa pagkakatanggal ng mga senador na miyembro ng Liberal Party (LP) at kanilang mga kaalyado sa kani-kanilang puwesto.

Inamin mismo ni Pacquiao kahapon ang nangyaring pagpupulong, isang araw matapos tanggalin sa kani-kanilang puwesto sina Sen. Franklin Drilon, Sen. Francis Pangilinan,  Benigno Paolo “Bam” Aquino IV, at Sen. Risa Hontiveros.

“Napag-usapan, napag-discussan na para marami tayong magawa na trabaho dito sa Senado e kelangan ma-identify na yung sa atin, sa atin. Yung hindi, hindi,” sabi ni Pacquiao.

Iginiit naman ni Pacquiao na walang kinalaman si Pangulong Duterte sa nangyaring rigodon sa Senado sa harap ng pahayag ng LP na Malacanang ang nasa likod ng nangyaring pagpapatalsik sa mga senador.

“Walang kinalaman dito ang Pangulo. Hndi tayo makakagawa ng trabaho dito sa Senado kung hindi natin gaganunin,” giit ni Pacquiao.

Matatandaang si Pacquiao pa ang nagmosyon para sa pagsibak sa mga senador.

“Ako ayaw ko ng pulitika. Nandito tayo para magtrabaho para sa taumbayan, hindi yung puro porma -porma tayo, pamumulitika. Gawa tayo ng trabaho dito, hindi yung dalhin natin yung pulitika ito, wala pang eleksyon,” ayon pa kay Pacquiao.

Aniya, hindi patas na akusahan si Duterte ng pangingialam sa Senado.

“Kasi feeling namin, napapaikutan kami sa ulo at feeling namin na binabaril namin yung kalaban sa harapan, hindi namin alam yung kalaban namin binabaril din kami sa likod namin…So ganun ang feeling namin,” sabi ni Pacquiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending