Drilon inalis bilang Senate President Pro-Tempore
SINIBAK si Sen. Franklin Drilon bilang Senate President Pro-Tempore at pinalitan ni Sen. Ralph Recto.
Inihalal ng 17 sa 23 mga senador si Rector, na dating pinuno ng Senate minority bloc.
Si Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao ang nagmosyon na ideklara ang posisyon ni Drilon na bakante, na sinuportahan mismo ni Drilon.
Wala namang tumutol sa sa mosyon ni Pacquiao.
Agad namang nagmosyon si Pacquiao na ipalit Recto kay Drilon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending