Bus sumemplang; 1 patay, 17 sugatan | Bandera

Bus sumemplang; 1 patay, 17 sugatan

John Roson |February 27,2017
facebook
share this

Bus sumemplang; 1 patay, 17 sugatan

John Roson - February 27, 2017 - 01:28 PM
masbate Isang estudyante ang nasawi habang 17 pa katao ang nasugatan nang sumemplang ang sinakyan nilang pampasaherong bus sa bayan ng Pio V. Corpuz, Masbate, ayon sa pulisya. Isinugod pa si Ara Malacaste, 21, college student, sa Rural Health Unit dahil sa matinding pinsalang tinamo, ngunit idineklarang patay ng doktor, ayon sa ulat ng Masbate provincial police. Dinala naman ang 17 pang pasahero, na karamiha’y estudyante rin, sa Masbate Provincial Hospital sa Masbate City dahil sa mga pinsalang tinamo sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat. Naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon Sabado sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Calong-ongan. Minamaneho noon ni Emerlito Bocog mula Masbate City patungong Esperanza ang ACEL bus (EVS-561), na may ilang pasahero sa bubong. Habang binabagtas ang paakyat na bahagi ng kalsada ay bigla umanong nagloko ang preno ng bus, kaya ito tumigil, napaatras, at sumemplang sa kalsada, ayon sa ulat. Boluntaryong sumuko sa lokal na pulisya si Bocog at ngayo’y hinahandaan na ng kaukulang kaso. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending