#EDSA 31: Dutertrolls vs Yellowtards | Bandera

#EDSA 31: Dutertrolls vs Yellowtards

Jake Maderazo - February 27, 2017 - 12:05 AM

NASAKSIHAN ng taumbayan sa Edsa 31st anniversary ang pagkakahati-hati ng opinyon ng dalawang grupo sa People Power Monument at sa Luneta.
Napakainit ngayon nang tatawagin kong “partisan politics” ng mga grupong kampi sa Duterte administration at ang mga dilawan ng Liberal party.
Meron daw “destabilization plot” ang Liberal party laban kay Pres. Duterte na tinawanan lang ni dating Pangulong Noynoy Aquino kamakalawa.
Ayon kay Pnoy, nakikipagtulungan daw ang LP sa administrasyon kaya’t hindi “common sense” na manggulo sila.
Isang commotion ang nag-viral sa social media nang komprontahin ni dating Apo Hiking Society member Jim Paredes ang mga Duterte youth lea-ders.
Sa kabuuan, tahimik naman ang rally na sabi ng pulis ay dinaluhan ng 2,300 katao.
Maiinit na talumpati naman ang nadinig sa Luneta at si Justice Sec. Vitaliano Aquirre ay nagtanong pa sa tao kung sino ang isusunod na ikukulong matapos ang pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.
Sagot nila, Trillanes daw. Pero sa isang interview, nagpahiwatig si Aguirre na isang senador nga ang isusunod na kakasuhan pero hindi niya binanggit ang pangalan nito.
Ayon din sa PNP, 210,000 katao ang dumalo sa Luneta noong Sabado na nagtuloy pa kahapon.
***
Noong Biyernes, binitiwan ni Aguirre ang balita na isang Lalaine Madrigal-Martinez, asawa ng isang convicted druglord sa Bilibid, ang inambus o pi-naulanan ng bala sa Santa Ana, Makati. Pero nang nag-verify tayo sa Makati police, wala raw ganitong pangyayari.
Ayon sa kwento ni Aguirre, 20 beses nag-strafing sa bahay ni Lalaine at nasugatan pa ito sa balikat. Inatasan niya ang NBI na imbestigahan ito.
Kuryente ba o totoo ang balitang ito?
Sinasabi ng Lalaine na nag-aalok ng P100 milyon sina ex-Sen. Jamby Madrigal at Laguna Rep. Len Alonte-Naguiat sa mga testigong drug lords sa kaso ni Sen. De Lima para bumaligtad.
Bukod diyan, may pa-ngako pang palalayain ang walong drug lord kapag napatalsik si Duterte sa pamamagitan ng panibagong “people power”.
Ito’y alegasyon na direktang nag-uugnay sa Liberal Party. Sabi nga ni Jamby, dapat mag-public apology itong si Aguirre. Pinabulaanan din ito ni Rep. Alonte-Naguiat. Kung “kuryente” ang ‘strafing”, aba’y nag-uulyanin na o nasisiraan na yata ng bait itong si Aguirre lalo’t sunud-sunod ang mga kwestyon sa kanya sa Jack Lam P50milyon bribery scandal.
***
Pero, totoo rin ba na isang Fil-American na si Loida Nicolas Lewis, kasama ng LP, ang kumukumpas para siraan ang Duterte administration sa Amerika at sa buong mundo? .
Sa totoo lang, masyadong malalakas ang mga pwersa, malalalim ang mga isyu at kumplikado ang mga nangyayari ngayon. Mahirap maintindihan ng simpleng mamamayan kayat sayang lang na makipagdebate sa mga batikusang ito.
Marahil ang pinakamagandang magagawa natin ay ipagdasal natin ang a-ting bansa .
Let us pray for our country lalo pa’t laganap ang galit at pagkamuhi ng bawat kampo sa isa’t isa.
Ang lalo pang magpapainit sa kumukulong tensyon ay nakakatakot. Kung ako ang tatanungin, mas mainam na huwag agad-agad maniniwala o magpasa ng mga tsismis. ‘Wag mag-share muna ng mga political posts sa social media hangga’t hindi umiiral ang kahinahunan.
Tandaan natin na ang pagdarasal para sa ating sariling bansa ay magbibigay linaw sa ating mga li-der, administrasyon man o oposisyon na makalabas tayo nang matiwasay sa krisis pulitikal na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending