6 koponan sasabak sa PSL Invitational Conference | Bandera

6 koponan sasabak sa PSL Invitational Conference

Angelito Oredo - February 25, 2017 - 11:00 PM

ANIM na koponan ang magsasagupa para sa pinakaunang korona na nakataya sa pagbubukas ng 2017 edisyon ng Philippine Super Liga (PSL) na Invitational Conference sa Marso 4.

Sinabi ni PSL president Ramon “Tatz” Suzara na ang mga koponang lalahok sa 2017 PSL Invitational ay ang Petron, Generika, Foton, Cignal at ang dalawang baguhang koponan na Sta. Lucia at Cocolife.

Inaasahan na mas lalong magiging maigting ang labanan sa unang kumperensiya matapos na magpalakas ang mga datihang koponan habang matitinding koponan mula sa iba’t-ibang unibersidad naman ang bitbit ng mga baguhan.

Tutok ang lahat sa Petron Tri-Activ na nakuha ang serbisyo nina Mika Reyes at Carmela Tunay sa pagnanais nitong muling makamit ang korona na minsan nitong hinawakan ng tatlong sunod.

Magbabalik naman ang premyadong coach na si George Pascua para sa Cignal HD na nagpakita ng matinding kaseryosohan para mauwi ang pinakauna nitong korona sa liga sa pagkuha sa mga beterano na sina Honey Royse Tubino, Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga.

Nagpalit ng mga manlalaro ang Foton at F2 Logistics sa pagnanais na maging kompetitibo sa torneo habang ang Generika na suportado ng higanteng korporasyon na Ayala ay inaasahang gagawa rin ng surpresa sa torneo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending