Jessica binalikan ang biriterang tumalo kay Regine, may malubhang sakit daw
SA mga nakalipas na linggo, sunud-sunod ang paglutang ng mga oarfish sa Leyte, Cagayan de Oro at Romblon. May natagpuan din daw na oarfish ilang araw bago ang nangyaring lindol sa Surigao. Totoo kaya na paraan ito ng kalikasan para magbabala sa isang paparating na trahedya?
Susubukang alamin ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang sagot sa katanungang ito ngayong Linggo ng gabi.
Muli ring pakikinggan ng KMJS ang awit ng buhay ni Eva Castillo na nakilala bilang tumalo kay Regine Velasquez sa isang amateur singing contest. Pansamantala siyang nakapasok sa showbiz matapos na ipahanap ni Regine. Pero nitong nakaraang linggo, napabalita na si Eva ay may Chronic Kidney Disease at nanghihingi ng tulong.
Kaabang-abang din ang kuwento ni Erwin na isang artist mula sa Pampanga. Mayroong Osteogenesis imperfecta si Erwin, sakit na kung saan ay madaling mabali ang kanyang mga buto. Ganu’n pa man ay buong tapang pa rin niyang susubukang magpunta sa kabundukan ng Buscalan upang maibigay ang regalo niya sa ika-100 kaarawan ni Apo Whang Od na tinaguriang huling mambabatok ng Kalinga.
Abangan lahat ng iyan sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo, pagkatapos ng Hay Bahay, sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.