Albie ayaw nang makatrabaho si Andi; wala ring pakialam kay Jake Ejercito
SA ginanap na grand presscon ng pelikulang “Pwera Usog” mula sa Regal Entertainment ay inamin ng isa sa bida na si Albie Casino na mas gugustuhin na lang niyang mawalan ng trabaho kaysa makasama ang dating karelasyong si Andi Eigenmann.
Ito ang inamin ng aktor nang makausap ng press, na hindi raw magiging maganda ang working relationship nila ni Andi dahil hindi siya magiging kampante kapag magkasama sila sa set.
Nakapag-move on na raw si Albie pero hindi pa rin niya nalilimutan ang ginawa sa kanya ng aktres dahil nawalan siya ng mga project noon.
Kuwento ng aktor, “Na-derail siya nang konti, nag-hiatus ako for a while. I lost a lot of work. Maraming naka-line-up sa akin no’n, eh. Tapos natanggal lahat, naudlot lahat.”
Negatibo ang tingin ng tao kay Albie noon dahil nga hindi niya inako ang ipinagbubuntis ni Andi na ipinagsisigawang siya ang ama.
Pinanindigan ni Albie na hindi siya ang ama ng bata at ilang taon ang nakalipas ay totoo naman ang ipinaglalaban ng aktor dahil si Jake Ejercito pala na ex-boyfriend ni Andi ang tunay na ama ni Ellie.
Galit pa rin ba si Albie kay Andi? “Matagal na akong walang galit kasi, ano’ng gagawin ko, di ba?
Magagalit lang ako, hindi naman siya o-okey kung galit ako, di ba? Ako lang din ‘yung masisira pag galit na galit ako.”
Samantala, hindi pa rin daw nagkikita nang personal sina Albie at Jake, “I couldn’t care less about that guy. I don’t have to do anything with him. Anon’g point? Anong sasabihin ko sa kanya, wala naman akong sasabihin sa kanya, eh.”
Anyway, mapapanood na ang “Pwera Usog” ng Regal Entertainment sa Marso 8 kung saan makakasama rin sina Sofia Andres, Devon Seron, Kiko Estrada, Cherise Castro at Joseph Marco mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.