Mocha nagbigay na nga ng donasyon sa DSWD inupakan pa; sobrang yabang daw | Bandera

Mocha nagbigay na nga ng donasyon sa DSWD inupakan pa; sobrang yabang daw

Cristy Fermin - February 24, 2017 - 01:00 AM

MOCHA USON

MOCHA USON

PINANINDIGAN ni Mocha Uson na ang suweldong tatanggapin niya bilang bagong miyembro ng MTRCB ay ipamamahagi niya sa mga pangangailangan ng ahensiya ng DSWD.

May video coverage ang pagkuha ni Mocha sa kanyang suweldo na sisenta mil, ang pagpunta niya sa isang grocery store para bumili ng mga pangunahing pangangailangan ng ahensiyang bibigyan niya ng donasyon, pati ang natirang halaga sa kanya ay kinuwenta rin ni Mocha para maipamigay naman sa isang kababayan nating humingi ng tulong na pampinansiyal sa kanya.

Napakagandang aksiyon kung tutuusin ‘yun, dahil nagpapatunay lang na may isang salita ang sexy singer, hindi niya pinakinabangan ang kanyang suweldo bilang board member ng MTRCB kundi ipinamahagi niya ‘yun sa DSWD.

Pero ang social media ay social media. Kumaliwa at kumanan ang kahit sinong personalidad ay siguradong may kokontra at kokontra sa kanya. Hindi siya ligtas sa mga pagpuna na kung minsa’y nauuwi pa nga sa panglilibak.

‘Yun mismo ang nangyari. Maraming nang-bash kay Mocha dahil napakayabang daw niya sa pagbi-video pa ng ginawa niya tungkol sa kanyang suweldo sa MTRCB.

Sana raw ay ginawa niya na lang ‘yun nang tahimik, hindi ‘yung ganu’n na parang ipinangangalandakan pa niya ang kabayanihang ginawa niya, may kayabangan daw talaga si Mocha Uson.

Pero ang kanyang paninindigan, “Transparency ang isinisigaw ng ating pangulo, dapat nalalaman ng publiko ang mga ginagawa natin!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending