Jessy magaling mam-bully; iniinsulto si Angel | Bandera

Jessy magaling mam-bully; iniinsulto si Angel

Cristy Fermin |February 22,2017
facebook
share this

Jessy magaling mam-bully; iniinsulto si Angel

Cristy Fermin - February 22, 2017 - 12:05 AM

angel locsin at jessy mendiola

BUSKADOR at pilya talaga si Jessy Mendiola. Hindi dapat naiinis ang seksing aktres kung pinuputakti man siya ng mga tagahanga ni Angel Locsin dahil siya naman ang nagpapasimuno sa dahilan kung bakit siya nabibira sa social media.

Napakarami namang panahong nakaraan para makakatihan niyang ilabas ang maigsi niyang buhok, pero ngayon lang niya ‘yun ginawa, nang pagpistahan ang pagkasira ng buhok ni Angel sa isang salon.

Nagkakanlong si Jessy sa katwirang throwback lang daw ang paglalabas niya ng maigsing buhok, pero ibang-iba ang pagtanggap nu’n hindi lang ng mga tagasuporta ni Angel, kundi pati ng ating mga kababayan.

Ramdam na ramdam kasi ang pang-iinis ni Jessy, para bang iniinsulto niya si Angel dahil sa pagkasira ng buhok nito, wala sa tamang timing ang hirit ng karelasyon ngayon ni Luis Manzano.

Wala bang trabaho si Jessy? Wala ba siyang ibang pinagkakaabalahan para lahat na lang ng mga nagaganap sa buhay ni Angel ang inaatupag niya?

Napakalaki ng insecurity ng babaeng ito sa ex ni Luis. Kung maligaya na siya ngayon sa pag-iibigan nila ng aktor-TV host, dapat ay hindi na siya nagkakaganyan, tahimik na lang dapat siya.

Mas magandang tutukan na lang ni Jessy Mendiola ang sarili niyang buhay kesa sa sundan-sundan pa niya ang mga nangyayari sa buhay ng babaeng sinundan niya sa puso ni Luis Manzano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending