IGINIIT ng Malacañang na dapat sundin ang proseso ng batas sa harap ng inaasahang pagla-labas ng warrant of arrest kay Sen. Leila de Lima.
“Well, let’s just follow due process,” ani Pre-sidential Spokesperson Ernesto Abella.
Noong Biyernes ay sinampahan si de Lima ng mga kasong may kaugnayan sa umano’y pagkakasangkot niya sa iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Nauna nang sinabi ni de Lima na nakahanda na siya sa inaasahang pag-aresto sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending