Programa ng PhilHealth sa adik | Bandera

Programa ng PhilHealth sa adik

Liza Soriano - February 18, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Huwag ninyo na lang po na ilagay sa inyong pahayagan ang buo kong pangalan.

Isa pong drug dependent ang asawa ko kasama siya sa sumuko sa gobyerno. Sabi niya hindi na siya gumagamit pero duda pa rin po ako.

Ang alam ko kakasimula lang na gumamit ng shabu ang mister ko simula nang mapabarkada. Ano po ang dapat kong gawin? May bagong programa po ba ang gobyerno o kaya ay DOH o Philhealth sa program ng asawa ko?

Pilita
Caloocan City
REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Pilita may bagong programa ang Philhealth na detoxification package. Layunin nito na tulu-ngan ang gobyerno sa collateral damage na war on drugs.

Umaabot sa apat na milyon ang drug addicts at kulang na kulang sa rehabilitation centers sa bansa

Sinimulan ng Philippine Health Insurance Corp. (PHIC) ang pag-aalok ng pinakabagong package na tinaguriang “Medical Detoxification Package” na nakalaan para sa mga pasyenteng nais tumigil sa paggamit ng bawal na gamot.

Ang mga pasyante sa drug abuse, lalo na ang mga gumamit ng shabu, ay maaaring mag-avail ng tulong na P10,000 na pambayad sa professional at hospital fees.

Babayaran din ng PHIC ang mga gastusin para sa co-morbidity conditions na kaakibat ng substance abuse, na kinabibilangan ng psychosis, ischemic heart disease, dilated cardiomyopathy, stroker, seizures, acute renal failure, at gastrointestinal disorder.

Saklaw lamang ng medical detoxification package ay ang unang bahagi ng rehabilitation ng drug-abuse patients na nakatuon sa “toxic and withdrawal manifestation” ng proseso, pero itinuturing na pinakakritikal na bahagi ng pangmatagalang paggamot sa mga pasyente.

Dr.Hildegardes Dineros
PhilHealth Board Member

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending