Makapag-aabroad pa ba? (2) | Bandera

Makapag-aabroad pa ba? (2)

Joseph Greenfield - February 18, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Jean ng Poblacion, Norte, Don Carlos, Bukidnon
Problema:
1. Nakakadalawang beses na po akong nakapag-broad sa Middle East at masasabi kong gumanda naman ang buhay ko doon. Pero dahil almost two years na akong hindi na uli nakapag-abroad, naubos na ang lahat ng ipon ko. Sa ngayon ay masasabing back to zero uli ang buhay namin.
2. Balak ko sanang mag-abroad uli at mag-apply. Itatanong ko lang kung sa ikatlong pangingibang-bansa kong ito ay susuwertehin na ako. May 28, 1982 ang birthday ko.
Umaasa,
Jean, Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing sa pangingibang-bansa, tuloy-tuloy kang susuwertehin dahil ang guiding planet ng zodiac sign na Gemini ay Mercury. Ang mga taong naiimpluwensyahan ng Mercury ay tunay namang pingpapapala sa kahit na anumang uri ng pangingibang-bansa.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing namang basta’t kilos ka lang nang kilos ay tuloy-tuloy na mamapasaiyo ang magagandang kapalaran, higit lalo sa aspetong paglalakbay at pagkakaperahan. Sa bandang huli ay malaki ang pag-asa o tsansa na ikaw ay yumaman.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy nang manahan sa buhay mo ang suwerte at magagandang kapalaran, ugaliin mong laging magsuot at gumamit ng kulya na, dilaw, silver, gray at blue.
Huling payo at paalala:
Jean, ayon sa iyong kapalaran, nakatakda na ang magaganap. Kung dalawang beses ka nang nakapag-abroad at pareho namang sinuwerte ka sa nasabing pangingibang bansa, tiyak ang mangyayari— sa ikatlong paga-abroad ay mas lalong susuwertehen ka at mas lalong gaganda ang iyong kapalaran lalo na sa aspetong pangkabuhayan at pangmateryal na bagay. Inaasahang maganap ito sa Mayo o Hunyo ngayong taon, sa edad mong 33 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending