Female star nakapagpatayo ng mansyon sa probinsya dahl sa dyowang matanda
IBA raw ang nagagawa ng salapi at popularidad sa kahit sino. Ang isang female personality na dati’y abot na abot ng kanyang mga kababayan at napakasimple lang ng buhay ay ibang-iba na kung ilarawan ngayon ng mga kasabay niyang lumaki.
Maganda siya, may ibubuga rin sa pag-arte, pero dahil maganda na ang estado ng kanyang kabuhayan showcase ngayon ay maraming nakapansin sa malaking-malaki niyang ipinagbago.
“Dati kasi, kapag umuuwi siya sa probinsiya nila, e, nandu’n pa rin ang magandang pakikisama niya. Umiikot pa siya sa community nila, nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan at dati niyang schoolmates.
“Pero lately, e, napakalaki na ng ipinagbago niya, umuwi man siya, e, hindi na siya nadadalaw ng mga kaibigan niya. Hinaharang na ng mga kamag-anak niya kahit ang mga close friends niya,” simulang kuwento ng aming source.
Ito ang kuwento sa kanilang lugar. Hindi raw naman kumikita nang malaki ang aktres sa mga trabaho niya, pero meron siyang benefactor, isang mayamang may edad nang lalaking nagtutustos sa kanyang mga kailangan at granatsa sa buhay.
Patuloy ng aming impormante, ‘‘Yun ang nagpatayo ng bonggang-bonggang bahay niya, ang laki-laki, talagang para na siyang reyna sa napakalaking house niya ngayon sa bayan nila.
“Mula nu’n, nagbago na si ____ (pangalan ng maganda at magaling na aktres), hindi na siya ma-PR, bigla nang nagbago ang ugali niya. Nu’ng minsan ngang dumalaw sa kanya ang mga high school friends niya, e, hindi na pinapasok sa bahay niya.
“Sobrang pagod daw kasi siya sa Manila, kaya kapag umuuwi siya, e, puro tulog lang ang inaatupag niya. Pero hindi ganu’n ang pinaniniwalaan ng mga tagaroon, may kayabangan na siya ngayon dahil kilala na siya at madatung na dahil sa benefactor niya!
“Yen, yen eng kwente se beyen nele,” sabi pa ng aming source. Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, gets n’yo na kung sino siya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.