Mahiwagang secretary super controversial
HABANG tumatagal ay mas lalong nahihiwagaan ang ilang mga opisyal at empleyado sa isang tanggapan ng pamahalaan.
Sinabi ng ating Cricket na sentro ng usap-usapan ngayon sa nasabing tanggapan ng gobyerno ang kanilang mismong pinuno.
Mula sa pagsasalang sa yoga sessions, nature tripping at meditation, ngayon naman ay gusto ni Cabinet Official na maging miyembro ang kanyang mga tauhan ng mga organisasyon na kanyang kinaaaniban.
Mula sa mga non-government organizations hanggang sa bicycle at zumba group, ang gusto ng ating bida ay gawin ng kanyang mga tauhan ang lahat ng kanyang mga ginagawa.
Naikwento ko na sa aking column noong nakalipas na taon na sa unang araw pa lamang ni Cabinet Secretary sa kanyang tanggapan ay ipinag-utos niya na sumailalim sa deep meditation ang kanyang mga tauhan para raw mapag-isa ang kanilang mga “inner minds”.
Sa pamamagitan daw nito ay mas magiging maayos ang takbo ng kanilang tanggapan dahil sa mas malalim nilang unawaan para sa isa’t isa.
Dahil sa mga pangyayaring ito ay mas lalong lumutang ang mga isyu na kumukwestyon sa mental state ng bida sa ating kwento.
Noon pa man ay marami na ang nagsasabi sa pagiging weirdo ng opisyal at lalong mas dumami ang nagtaas ng kilay ng siya ay bigyan ng makapangyarihang posisyon sa pamahalaan.
She’s either an asset or liability of this administration ayon sa ating Cricket dahil sa kakaibang personalidad ng opisyal na ito.
At ngayong nalalagay sa kontrobersiya ang nasabing opisyal ay mas maraming tanong ang lumutang kung aawatin ba ng pangulo ang nasabing kontrobersiyal niyang tauhan.
Ang opisyak na kinukwestyon ngayon ang kang state of mind ay si Sec. L…..as in Lucid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.