Tisoy na male celebrity buhay-hari ngayon, puro mayayamang bading ang pinapatulan
AAYAW-AYAW pa nu’ng una, pero nang matuto naman, mas magaling pa kesa sa nagturo sa kanya! Ganu’n kung ilarawan sa isang umpukan ng mga becki ang isang male personality na namamayagpag ang career ngayon sa sangkabaklaan.
Nu’ng bagito pa lang ang male personality na ito na nanalo sa isang talent search ay napakailap niya sa mga becki. Maganda ang kanyang PR, pero hanggang du’n lang ‘yun, hindi siya pumapasok sa relasyon.
Pero nang dumating siya sa tagtuyot, ‘yung wala talaga siyang trabaho, kumapit na rin ang tisoy na lalaking personalidad sa bagong hasang patalim.
Nakipagrelasyon siya sa isang becking negosyante na itinuring na siyang papa at pinag-aral pa nga siya.
Nagtagal ang kanilang relasyon, nakipaghiwalay na lang siya nang mabuking niya ang relasyon ng becki at ng isang tisoy ring batang aktor, du’n na nagsimula ang pagpapalipat-lipat sa iba-ibang becki ng guwapong tisoy actor.
“Ay bonggang-bongga ang lifestyle niya ngayon! Talagang ginagawa na lang niyang Quiapo ang Europe, kasi nga, e, madatung ang bagong azucarera de fafa niya!
“Wala siyang pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa kanya, biyahe lang siya nang biyahe, with matching pictorial pa para makita ng buong mundo kung gaano siya kaastig ngayon!
“Naku, nang matuto na si ____ (pangalan ng tisoy actor), mas masahol pa siya sa pusang hindi maihi!
Napakatalim ng ilong niya sa pang-amoy, bina-background check yata niya ang mga becking kumukursunada sa kanya!
“Parang nananalamin pa siya at nagtatanong, ‘Mirror, mirror, on the wall, who’s the richest of them all?’ Parang ganu’n ang drama niya, kasi nga, hindi siya pumapasok sa relasyong nganga lang ang becki!
“Kita n’yo naman ngayon, anong karu ba ang minamaneho niya? Saan ba siya nakatira ngayon? Sosing-sosi ang paboritong boy toy ngayon ng mayayamang becki! Ayaw na niya sa kung sinu-sino lang!
“Ang kailangan, e, balyena sa kayamanan ang becki para siya makipag-close, alam na! Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sinex siya?” dire-diretsong chika ng maldita naming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.