Pinakamalamig na temperatura sa Baguio naitala sa loob ng 46 na taon | Bandera

Pinakamalamig na temperatura sa Baguio naitala sa loob ng 46 na taon

- February 15, 2017 - 07:05 PM
baguio-0128 BAGUIO CITY — Meron nang pagkakatulad ngayon ang mga tinaguriang ‘millennials’ at kanilang mga magulang at ito ang naranasang napakalamig na panahon.

Matatanda man o mga bata ay pinag-uusapan ang pinakamababang temperatura na kanilang naranasan sa kanilang henerasyon matapos makapagtala ng 7.3 degrees Celsius na temperatura ganap na alas-6 ng umaga kahapon, ang pinakamababa sa loob ng 46 na taon.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) na noong Enero 9, 1971, nang bumaba ang temperatura sa Baguio ng 7.1 degrees.

Ganap na alas-5 ng umaga naitala ang  7.4 degrees ngunit makalipas ang isang oras ito ay bumaba ito lalo sa 7.3 degrees, ayon kay Efren Dalipog, Pagasa weather observer sa Baguio City.

Base sa rekord ng Pagasa, ang naitalang temperatura kahapon ang pinakamalamig na temperatura sa kasaysayan ng Baguio.

Ang pinakamababa ay noong Enero 18, 1961, matapos maranasan ng lungsod ang 6.3 degrees.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending