MULA sa dating pagiging aktor sa ilang mga sexy movies ay biglang naligaw ang landas ang artista na bida sa ating kwento ngayong araw.
Nang magsimulang humina ang hatak sa ta-kilya ng mga pelikula ay nauwi sa pagbebenta ng droga ang naging primary income source ng aktor.
Dito ay naging sikat rin ang kanyang pangalan sa ilang mga mayayamang bakla at matrona lalo na sa loob ng business industry.
Pero nang magsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte ay tumigil na siya sa kanyang pagtutulak ng droga.
Sinabi ng ating Cricket na takot siyang madale ng Oplan Tokhang ng PNP.
Ito ang naging dahilan kaya nag-focus siya sa kanyang raket na pagbebenta ng panandaliang aliw.
Dumating rin ang punto na siya na rin ang tumayong manager ng ilan pang taga-showbiz na nangangailangan ng mabilisang salapi.
Ilan sa kanyang mga naging kliyente, ayon sa ating Cricket, ay isang baklang local official at ilang mayayamang negosyante.
Mataas ang kanyang rates noong mga panahong iyun kaya inabuso rin niya ang kanyang katawan.
Pero dumating din ang kanyang kinatatakutan dahil isang araw noong nakalipas na buwan ng Disyembre ay biglang nanghina ang kanyang katawan.
Ilang araw din siyang namahinga at gumastos ng malaki dahil hindi malaman ng mga duktor kung ano ba talaga ang kanyang sakit.
Sinabi ng ating Cricket na hanggang ngayon ay hindi pa visible ang ating bida dahil pati siya ay nahihiwagaan sa kanyang karamdaman na nagpahina nang husto sa kanyang maskuladong katawan.
Ang aktor na sinasabing may kinatatakutang sakit sa ngayon ay si Mr. J….as in Jaguar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.