DU30 inaprubahan na ang pagbibigay ng medal of valor sa 42 iba pang miyembro ng SAF
PORMAL nang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pagbibigay ng Medal of Valor sa 42 na iba pang miyembro ng Special Action Force (SAF) na napatay sa operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Sa isang sulat kay Interior Secretary Ismael Sueno, ipinaalam ni Executive Secretary Salvador Medialdea na aprubado na ni Duterte ang pagbibigay ng Medal of Valor sa lahat ng SAF 44 matapos namang dalawa miyembro ng SAF lamang ang ginawaran.
Mangangahulugan ito na mabibigyan ng mga benepisyo ang iba pang SAF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.