‘My Dear Heart’ mabenta sa mga senior citizen dahil kay Coney
PATOK na patok sa mga senior citizen ang family drama series ng ABS-CBN na My Dear Heart na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Bela Padilla, Coney Reyes at ng bagong child star na si Heart Ramos.
Talagang para sa buong pamilya ang kuwento ng Primetime Bida serye ng Dreamscape Entertainment dahil hindi lang ito nagtuturo ng values sa mga bata, marami rin itong naihahatid na magagandang memories sa mga lolo at lola.
In fairness, talagang inaabangan ng mga senior citizen at young at heart ang My Dear Heart dahil sa karakter ni Coney Reyes bilang si Dra. Margaret Divinagracia, isang doktor na napakaraming hugot sa buhay. Marami kasing nakaka-relate sa role ng award-winning veteran actress lalo na ‘yung mga lolo at lola na gustung-gustong balikan ang kanilang pagkabata.
Bukod dito, puring-puri rin ng viewers at mga netizen ang akting nina Bela at Zanjoe bilang mga adoptive parents ni Heart na sina Jude at Clara. Comatose ngayon ang bata sa kuwento habang ang kaluluwa naman nito ay laging kasama ng karakter ni Coney.
Marami ang nagsasabi na bagay na bagay maging magulang sina Bela at Zanjoe sa serye kaya hindi raw malayong magkaroon din ng relasyon ang dalawa sa tunay na buhay, lalo na ngayong pareho naman silang single.
Napapanood pa rin ang My Dear Heart gabi-gabi sa Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.