1 sa 3 cong na nasa narcolist nalinis na | Bandera

1 sa 3 cong na nasa narcolist nalinis na

Leifbilly Begas - February 07, 2017 - 06:53 PM

house of rep

Isa sa tatlong kongresista na ang naalis sa listahan ng narco list na ibinigay ni Pangulong Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez.
Kahapon, sinabi ni House majority leader Rodolfo Farinas sa sesyon ng plenaryo ng Kamara de Representantes na nalinis na ang isa sa mga kongresista na nadawit sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang verification process.
Tumanggi naman si Farinas na pangalanan kung sino pa ang dalawang natitira gaya ng nais ni Buhay Rep. Lito Atienza bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa death penalty bill.
Sinabi ni Atienza na hindi dapat ipagkatiwala sa mga kongresista na sabit sa illegal drugs operation ang pagtalakay sa death penalty bill kaya dapat itong pangalanan ng liderato ng Kamara.
Tumayo naman si Farinas at sinabi na hindi ito maaari pero posibleng ilabas umano niya ang pangalan bago ang botohan ng death penalty bill.
Makikipagpulong din umano siya kay Philippine Drug Enforcement Agency Director Isidro Lapena at Philippine National Police chief Ronaldo dela Rosa kaugnay ng narco list.
Kahapon ay natuloy naman ang pagtalakay sa death penalty bill (House bill 4727) kung saan nakapila ang may 50 kongresista na nais magtanong.
Tumayo si Leyte Rep. Vicente Veloso para ipagpatuloy ang sponsorship speech sa panukala.
30

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending