IPINARADA ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa ang mga scalawag na pulis sa harap ni Pangulong Duterte sa Malacanang kung saan nakatikim ang mga ito ng mura mula sa presidente.
“Alam ko na ang sahod ninyo maliit. Kaya nga ako naghanap ng pera at inuna ko kayo. Talagang kayo by the end of this year doblado na ang sweldo ninyo. Kaya naman meron talagang mga kagaya ninyo mga u*** na u***. P***** i** hindi kayo na—,” sabi ni Duterte.
Nauna na nang ipinag-utos ni Duterte na paglinisin na lamang ng Pasig River ang mga pulis na nahaharap sa mga kaso imbes na sumailalim sa muling pagsasanay.
“Gusto ko kayong ihulog diyan p***** i**** Pasig na ‘yan. Pero huwag na lang kasi itong Human Rights kung anong nakikita naman sa buhay ng isang taga-gobyerno na gustong disiplanahin kayo,” ayon pa kay Duterte.
“Gusto ko palinisin ko kayo ng—Magbalik kayo dito, mag-swimming trunks. Linisin ninyo ‘yung Pasig River. Inumin ninyo kasi madumi. P***** i** kayo,” ayon pa kay Duterte.
Kasabay nito, inihayag ni Duterte na ipapatapon ang mga tiwaling pulis sa Mindanao.
“Kayo lahat ngayon nandito, kasali kayo sa Task Force South. Padala ko kayo sa Basilan. Tumira kayo doon ng mga dalawang taon. Kung lumusot kayo buhay, balik kayo dito. Kung doon kayo mamatay, sabihin ko sa pulis, huwag na magasto na para dalhin pa kayo dito, doon na kayo ilibing. Wala naman kayong mga…,” sabi ni Duterte.
May hamon pa si Duterte sa mga pulis.
“Galit kayo sa ‘kin, hintayin ninyo ko matapos sa pagka-Presidente ko. Magbarilan tayo. Akala siguro ninyo — L**** kayo. Papatulan ko talaga kayo,” ayon pa kay Duterte.
Sinabi ni Duterte na bibigyan niya ng dalawang linggo ang mga pulis para maghanda na madestino sa Mindanao.
“Start to move out. If you do not want to go there, go to your superior officer and tell them that you’re going to resign. Otherwise, ayaw ninyo hanapan ko kayo ng mali. Kasi kaya kayo nandito mga g*** kayo eh. So meron talaga akong masilip. Either I will dismiss you,” sabi pa ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.