Star Hotshots nakapasok sa PBA Philippine Cup semis | Bandera

Star Hotshots nakapasok sa PBA Philippine Cup semis

Melvin Sarangay - , February 07, 2017 - 12:04 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Barangay Ginebra vs Alaska

MULING dinomina ng Star Hotshots ang Phoenix Petroleum Fuel Masters para walisin ang kanilang 2017 PBA Philippine Cup best-of-three quarterfinals series sa itinalang 91-71 panalo Lunes sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Bunga ng panalo, nakubra ng Hotshots ang ikalawang semifinals ticket sa Philippine Cup kung saan aabangan nito ang magwawagi sa serye ng Barangay Ginebra Gin Kings at Alaska Aces.

Nagsanib puwersa sina Paul Lee at Marc Pingris para tulungan ang Hotshots na matambakan muli ang Fuel Masters. Ang matinik na combo guard mula Tondo na si Lee ay nagtapos na may 17 puntos, siyam na assists at apat na rebounds habang ang masipag na forward mula Pangasinan na si Pingris ay nagposte ng 16 puntos, siyam na rebounds at tatlong assists.

Pinamunuan nina Pingris at Lee ang Hotshots na naghulog ng 15-1 ratsada sa ikatlong yugto para ang dikit na 42-37 bentahe ay umangat sa 57-38 kalamangan sa kalagitnaan ng nasabing yugto.
Lumobo pa ang kalamangan sa 26 puntos, 79-53, may 8:10 ang nalalabi sa ikaapat na yugto mula naman sa basket ni Ian Sangalang.

“Our defense stepped up in this game. We limited them under 86 points and that’s our goal. Credit to players, coaches, and management. We worked hard for this,” sabi ni Star head coach Chito Victolero.
Sina Jio Jalalon at Sangalang ay nagtapos na may tig-11 puntos para sa Star.

Pinamunuan naman ni Matthew Wright ang Fuel Masters sa ginawang 24 puntos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending