Seguridad sa Boracay sa Valentine's mahigpit -PNP | Bandera

Seguridad sa Boracay sa Valentine’s mahigpit -PNP

John Roson - February 06, 2017 - 06:18 PM
boracay Asahan nang magiging mahigpit ang seguridad sa Boracay Island, Aklan, sa Valentine’s Day dahil sa kasabay na mga aktibidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon sa pulisya. Magpapakalat ng 1,300 pulis, at partikular na tututukan ng mga ito ang jetty port, billeting areas, at mga kalsada, sabi ni SPO1 Nida Gregas, tagapagsalita ng Aklan provincial police. Di pa kasama dito ang mga ikakalat na sundalo at mga “force multiplier” gaya ng Boracay Action Group at mga volunteer. Gaganapin sa isla ang pulong ng ASEAN Intergovernmental Commission on Human Rights mula Pebrero 13 hanggang 15, at retreat ng ASEAN Ministerial Meeting (AMM) mula Peb. 19 hanggang 21. Sinimulan noon pang Enero ang papapadala ng karagdagang pulis sa isla para matiyak ang seguridad, ayon kay Gregas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending