Transport strike nagresulta sa suspensyon ng klase
NAPILITAN ang ilang unibersidad at lokal na pamahalaan na suspindehin ang klase at pasok sa opisina sa hapon matapos naman ang isinagawang welga ng mga jeepney.
Kabilang sa mga nagsuspinde ay ang mga sumusunod:
University of Santo Tomas (UST) – klase at opisina simula alas-12 ng tanghali.
De La Salle University – klase sa lahat ng antas at pasok sa opisina sa Taft, Makati, at Taguig simula alas-1:30 ng hapon.
College of St. Benilde
Colegio de San Juan de Letran – sinuspinde ang klase simula alas-2 ng hapon; pasok sa opisina, alas-3 ng hapon.
Malabon – sinuspinde ang klase sa hapon sa lahat ng antas.
Far Eastern University Manila – sinuspinde ang klase simula ala- 1:30 ng hapon.
Adamson University – sinuspinde ang klase at pasok sa trabaho simula alas-2 ng hapon.
University of the Philippines Manila – sinuspinde ang klase at trabaho simula alas- 3 ng hapon.
National University – sinuspinde ang klase simula ala-1:30 ng hapon, sa trabaho, alas-3 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.