PH tinalo ang Indonesia sa Davis Cup Group 2 tie | Bandera

PH tinalo ang Indonesia sa Davis Cup Group 2 tie

Angelito Oredo - February 05, 2017 - 11:05 PM

TINALO ni Philippine No. 1 singles player Ruben Gonzales sa loob ng tatlong set ang nakaharap na si David Susanto ng Indonesia, 6-2, 6-3, 6-4, upang ibigay sa Pilipinas ang importanteng panalo na nagtulak dito sa semifinals ng 2017 Davis Cup Asia/Oceania Group Two tie sa Philippine Columbian Association indoor clay court sa Paco, Maynila Linggo.

Bumawi naman si Alberto Lim Jr. sa ikalawang reverse singles sa pagtala ng 7-5, 6-3 panalo kay Anthony Susanto para makumpleto ng PH Davis Cuppers ang 4-1 panalo.

Kinailangan ni Gonzales ng 31 minuto sa unang set, 43 minuto sa ikalawa at 48 minuto sa ikatlong set upang ibalik ang bansa sa semifinal round kung saan makakaharap nito ang magwawagi sa pagitan naman ng karibal nito sa 29th Southeast Asian Games na Thailand at Kuwait.

Nagtala si Gonzales ng apat na ace sa una at ikalawang set at isa sa ikatlo habang pinuwersa ang kalaban nito sa limang double fault at limang break points upang putulin ang dominasyon ng mga Indons sa nakalipas na 18 taon sa pagdikit nito sa head-to-head duel sa 5-6 record.

Unang ibinigay nina world doubles No. 22 Treat Huey at dating Australian Open juniors doubles champion Francis Casey Alcantara ang 2-1 bentahe sa straight sets panalo kontra David Susanto at Sunu Trijati ng Indonesia, 6-2, 6-4, 6-4, Sabado ng hapon upang ilapit ang Pilipinas sa semifinals ng Davis Cup tie.

Agad na ipinamalas nina Huey at Alcantara ang matinding koordinasyon at agresibong laro upang tapusin ang unang set sa 28 minuto at ang ikalawang set sa 35 minuto.

Bahagya itong nahirapan sa ikatlong set matapos mabitiwan ang pitong match points bago inuwi ang panalo matapos ang isang oras at 12 minuto.

Dahil sa panalo ay napanatili nina Huey at Alcantara ang kanilang unbeaten record sa Davis Cup doubles sa kanilang anim na laro.

Nagsilbi rin na maagang regalo sa kaarawan ni Alcantara na isinelebra ang kanyang ika-25 kaarawan bagaman kinansela muna nito pati na rin ng buong koponan hanggang matapos ang laban para sa posible nitong dobleng selebrasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending