Liza na-trauma sa lalaking may abs; Enrique parang 'baby' ang katawan | Bandera

Liza na-trauma sa lalaking may abs; Enrique parang ‘baby’ ang katawan

Ervin Santiago - February 04, 2017 - 12:01 AM

liza soberano at enrique gil
ALIW na aliw ang entertainment media sa tambalang Liza Soberano at Enrique Gil sa ginanap na presscon ng latest movie nilang “My Ex And Whys” under Star Cinema.

Ang cute-cute kasi ng dalawa habang nagkukulitan sa harap ng press, kitang-kita mo kung gaano na sila ka-close at kung paano nila inaalagan ang isa’t isa.

At kahit hindi man nila diretsong aminin ang tunay na estado ng kanilang relasyon, ramdam na ramdam namin ang pagiging in love nila.

Kahit hindi aminin nina Liza at Enrique naniniwala kami at ang ilang LizQuen fans na matagal nang magdyowa ang dalawa. At halatang-halata naman na in love na in love ang dalawa base na rin sa titigan at body languange nila.

Tawang-tawa naman ang mga showbiz reporter nang magsalita na si Liza tungkol kay Quen, lalo na nang matanong ang tungkol sa mga intimate scenes nila ng binata sa bago nilang pelikula.

Inamin ng dalaga na wala siyang napi-feel na hiya kapag nakikita niyang nakahubad si Enrique. Sobrang komportable na raw siya kay Quen na kahit maghubad pa ang binata ay okay lang sa kanya dahil parang “baby” raw ang katawan nito.

“Wala pong malisya kapag si Quen, parang katawan po kasi ng baby ang katawan niya. Si Quen po kasi hindi niya kailangan ng abs you know,” birong pahayag ng dalaga.

Inamin ng dalaga na ayaw niyang makakita ng lalaking may abs, naiilang daw kasi siya kapag nakakakita ng mga muscles at six-pack-abs, “Sa totoo lang po hindi po ako naiilang kay Quen sobrang comfortable po ako sa kanya, sa totoo lang po ayaw ko po sa lalaking parang ma-abs.”

Nagka-trauma na raw kasi si Liza sa lalaking may abs kaya hindi na siya kinikilig kapag nakikita siya ng seksing guy, “Sa Dolce Amore po may scene kami ni Joseph Marco na naka-topless siya pero hindi ko siya matingnan hindi dahil kinikilig ako or something, parang I have a phobia on seeing a naked man hindi ko po alam.”

Inamin din ni Liza na may eksena siya sa “My Ex And Whys” na inabot sila ng walong oras sa isang eksena niya sa pelikula, “Yung confrontation scene namin ni Quen na panget ba ako? Kapalit palit ba ako yung scene na yun, eight hours po namin ginawa sa shot ko lang po,” sey ng dalaga.

Sabi naman ng direktor nilang si Cathy Garcia Molina, sana raw ay magustuhan ng LizQuen fans ang nasabing eksena dahil isa ito sa pinakamatinding highlight sa pelikula.

“Because it’s her scene, it’s the highlight of the movie. Ayaw ko naman po ipagkait kay Liza na hindi magawa ng maganda yun, Ang hirap niya pa kasi hugutin para sa eksena na yun kasi masyado pang bata for that scene,” sey ni direk Cathy.

Sa movie, gagampanan nina Enrique at Liza ang papel ng dating magdyowa na sina Gio at Cali. Hindi makapag-move on ang dalaga sa pangangaliwa ni Gio. Muling magkukrus ang landas nila sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Patutunayan ni Gio na nagbago na siya ngunit hindi na maniniwala ang kanyang ex-GF.

Dahil sa iasng proyekto na kailangan nilang tapusin, sabay silang lilipad papuntang Korea na magiging daan para muli silang magkainlaban.

Pero siyempre, may twist and turns sa kuwento na siguradong ikagugulat ng manonood. Ang tanong na sasagutin nina Gio at Cali sa ending: May forever nga ba sa second chance?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “My Ex And Whys” sa mga sinehan sa Feb. 15, ito ang magsisilbing Valentine gift ng LizQuen at ng Star Cinema sa madlang pipol. Makakasama rin sa movie sina Dominic Roque, Ara Mina, Joross Gamboa, Neil Coleta, Ryan Bang, Cai Cortez, Arlene Muhlach at marami pang iba, directed by Cathy Molina.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending