Magulang na hindi pwedeng maging beneficiary sa PhilHealth
MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Matagal na po akong sumusu-baybay ng inyong column at lahat nang nilalaman ng inyong pahayagan. Ako po ay graduate ng computer education year 2016 at sa awa ng Diyos ay nakapasa na rin sa board exam. Nag-aplay na rin ako ng trabaho sa isang eskwelahan at natanggap na rin at pinagsisimula na magtrabaho sa Feb 15, 2017.
May SSS number na po ako, pero ask ko rin ko sa SSS kung kailangan ko pang kumuha ng panibagong SSS o yun na lamang ang gagamitin ko. Ask ko rin po sa PhilHealth kung paano ang mag-aplay at kung kailangan ko pa na isama sa beneficiary ang mother at father ko. Ang mother ko ay may trabaho naman pero ang father ko ay may maliit na negosyo. Sino po sa kanila ang dapat kong isama sa aking PhilHealth. Sana po ay masagot ninyo ang aking katanungan.
Cristina dela Cruz
1123 Don Bosco St., Tondo Manila
Bb.:
REPLY: Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Nais po naming ipabatid na maaari po kayong magpamiyembro sa PhilHealth sa ilalim ng Informal Economy category. Magsadya lamang sa pinakamalapit na PhilHealth office sa inyong lugar at magsagot ng PhilHealth Member Registration Form (PMRF) para kayo po ay maging miyembro at mabigyan ng PhilHealth Identification Number (PIN). Sa panahon na kayo ay employed na, ang na-issue na PIN ay ibibigay ninyo sa inyong employer para kayo ay madeklara bilang kanilang empleyado.
Sakop ng PhilHealth coverage ng miyembro ang mga sumusunod:
1. Legal na asawa na hindi miyembro ng PhilHealth
2. Anak na mababa sa 21 taong gulang, walang trabaho at asawa
3. Anak na 21 taong gulang pataas mgunit may kapansanan*
4. Foster Child (Base sa Foster Care Act of 2012 o RA 10165)
5. Magulang na may permanenteng kapansanan*
* Kinakailangang magsumite ng Medical Certificate na nagsasaad at nagpapatunay ng kapansanan
Kung ang inyo pong nanay ay may trabaho pa, siya po ay miyembro sa ilalim ng Formal Economy category. Maaari po niyang ideklara ang inyong tatay bilang kanyang kwalipikadong dependent.
For other concerns and further queries, you may e-mail us again or call our action center hotline at 441-7442.
For more information and other updates, please visit our website at www.philhealth.gov.ph
Thank you.
Warm regards,
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
amv
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.