PH cue artists mag-aagawan sa SEA Games slots | Bandera

PH cue artists mag-aagawan sa SEA Games slots

Angelito Oredo - February 01, 2017 - 11:00 PM

MAGSASAGUPA ang mga premyadong cue artist na miyembro ng pambansang koponan para pag-agawan ang mga silya sa billiards events sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Napag-alaman mismo kay Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) secretary-general Robert Mananquil kahapon matapos na ihayag ang matira-matibay na pagsasalpukan ng mga pambansang cue artist sa susunod na buwan para irepresenta ang bansa sa kada dalawang taong event na isasagawa sa Agosto 19-31.

“We don’t have a choice dahil kakaunti ang sasalihang event sa SEA Games kaya we have to send our best athlete by selecting them through the qualifying process,” sabi ni Mananquil, na miyembro rin ng POC-PSC SEA Games Task Force at itinalaga na media bureau chief ng Philippine Olympic Committee (POC).

Paglalabanan lamang sa SEA Games billiards event ay ang women’s 9-ball singles, 9-ball men (singles/doubles), snooker (singles/doubles) at ang English billiards.

“Only two can represent the country in SEA Games dahil isang event lang ang para sa babae,” sabi ni Mananquil. “So it leaves Cheska Centeno, Rubilen Amit, Iris Ranola and Florian Andal, to compete in an elimination tryout with the two finalist going to the SEA Games.”

Matatandaan na tinalo noon ng pinakabatang miyembro ng women’s team na si Centeno sa qualifying ang double SEA Games gold medalist na si Ranola upang tumuntong sa una nitong pagsabak sa torneo at nagawa pang labanan si Amit sa naging all-Filipino finals ng women’s 9-ball.

Anim na miyembro ng men’s team ang dadaan din sa qualifying at ito ay sina Dennis Orcullo, Carlo Biado, Warren Kiamco, Francisco “Django” Bustamante, Efren “Bata” Reyes at ang pinakabata na si Johann Chua.

Hahamunin din ng dating World 9-ball doubles champion na sina Reyes at Bustamante ang parehas nina Kiamco at Biado para sa silya sa doubles. Sina Kiamco at Biado ay tinanghal na kampeon sa 2016 World 9-ball doubles.

Muli naman irerepresenta nina Michael Mengoria at Alvin Barbero ang bansa sa singles at doubles snooker kung saan makakasama nito ang nagbabalik na si Marlon Manalo, na dating Asian snooker champion, habang sa English Billiards sina Jeffrey Roda at Basil Alshahar.

“We will start the qualifying next week when our ladies are back from the international tournament na Spring Amway sa Taipei dahil sasali ang ating women’s team doon. Ang men’s qualifying will be by April dahil sasali sila sa Golden Classic Derby. We will have our last qualifying maybe by first week of April in time for the deadline of submission of entry by name ng delegation sa May,” sabi pa ni Mananquil.

Pamumunuan naman ni Aristeo “Putch” Puyat, na siyang Committee chairman on eliminations at siya rin mismong gumawa ng format, ang lahat ng qualifying tournament.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending