Army officer patay sa NPA attack | Bandera

Army officer patay sa NPA attack

John Roson - February 01, 2017 - 07:05 PM
davao oriental Nasawi ang isang junior officer ng Army nang salakayin ng mga hinihinalang rebeldeng komunista ang mga tropa ng pamahalaan sa Manay, Davao Oriental, Miyerkules ng hapon, ayon sa militar. Naganap ang insidente sa Sitio Paliwason, Brgy. Lambog, sabi ni Captain Rhyan Batchar, public affairs officer ng Army 10th Infantry Division. Sinalakay ng isang “armed lawless group” ang police at Army team na nagtungo sa lugar, aniya. Nandoon ang mga sundalo’t pulis para rumesponde sa sumbong ng mga opisyal ng Brgys. Rizal at Lambog na isang armadong grupo ang nananakot ng mga residente, kung saan ilan na ang nagsilikas, ani Batchar. Unang inulat ng mga barangay official ang insidente sa Manay Police, na humingi naman ng tulong sa 67th Infantry Battalion, aniya. Kinumpirma ni Batchar ang pagkasawi ng isang junior officer ng Army, pero tumangging pangalanan ito hangga’t di naipapaalam sa pamilya ang insidente. Nakarekober ang mga tropa ng pamahalaan ng M16 rifle mula sa armadong grupo, aniya. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending