Kylie babalik sa Enca, may bagong karakter at costume | Bandera

Kylie babalik sa Enca, may bagong karakter at costume

- February 01, 2017 - 12:05 AM

kylie padilla

TUWANG-TUWA ang mga Encanradiks nang malamang totoo nga ang sinabi ni Direk Mark Reyes na hindi pa mawawala ang karakter ni Kylie Padilla bilang si Reyna Amihan sa GMA telefantasya na Encantadia.

Aside from the fact na nakakamangha ang bago niyang costume, excited kami dahil balita ng isang source napakarami pa raw sorpresa ng well-loved series na ito ng GMA Network sa manonood na hindi raw dapat palampasin.

Isa na nga sa panggulat ng serye ay ang pagbabalik ni Kahlil (Avery Paraiso) para tulungan si Amihan na talunin ang mga Hadezar. Isa lang daw iyan sa mas marami pang kapana-panabik na mga eksena sa Encantadia. Kaya pahayag ng apat na Sang’gre na sina Amihan, Pirena (Glaiza de Castro), Danaya (Sanya Lopez) at Alena (Gabbi Garcia) huwag na huwag na raw kayong bibitiw sa pagpapatuloy ng laban ng mga engkantada at ng kanilang mga kaaway sa Encantadia after 24 Oras sa GMA Telebabad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending