Buwagin ang PNP, ibalik ang PC-INP | Bandera

Buwagin ang PNP, ibalik ang PC-INP

Jake Maderazo - January 30, 2017 - 12:07 AM

PARA magkaroon ng makatotohanang paglilinis sa Philippine National Police, napapanahong gamitin ni Pres. Duterte ang kapangyarihan niyang i-abolish o kaya ay bakantehin lahat ng posisyon ng mga pulis dito.

Sa ganitong paraan, matatanggal niya nang mabilisan ang mahigit 6,000 narco-cops, gayundin ang mga tiwa-ling iba pa na sangkot sa kidnap-for- ransom, tokhang for robbery extortion, kotong, illegal gambling, evidence planting, protection rac-ket at iba pa.

Sobrang palpak na itong sistema nating “one police force, national in scope”.

Noong araw, ang peace and order sa bawat lungsod at lalawigan ay responsibilidad ng mayor o gobernador. Kapag malaki ang gulo, tutulu-ngan ng PC (police auxi-liary force) ang local police kasama ng NBI at DOJ. Ganito rin sa Amerika na merong “National Guard” bilang dagdag na pwersa.

Kapag umabuso ang local police, tulad noong 1951 sa Negros Occidental nang maghasik ng la-gim si Gov. Rafael Lacson, at patayin ang kalabang si Moises Padilla. Pumasok ang sundalo sa utos ni Defense Sec. Magsaysay, at maraming inaresto at nakulong si Gov. Lacson.

Sa ganitong sistema, napakalakas ng “check and balances” sa mga local, provincial police forces “constabulary”. Walang mga “criminal syndicates” na makapag-operate nationwide dahil nagbabantayan ang mga lokal at national police force o PC.

Mismong si PNP chief De la Rosa ay nagsabi na mas maganda at matindi ang disiplina ng mga pulis noong sila’y under pa ng PC-INP.

Hindi tulad ngayon na ang “monolithic police command” na PNP ay naging pugad ng mga tiwaling pulis, mga kabaro, ka-mistah o kakampi sa mga illegal activities sa buong bansa. Mga opisyal na nagbibigay proteksyon sa mga sindikato ng mga ilegal na sugal, prostitusyon, carnapping, kidnap for ransom at ngayo’y tokhang for robbery extortion.

Kung mabagal o inutil ang PNP chief, walang mangyayari tulad nang nangyayari ngayon. Walang boses ang mga local mayors at governors dahil wala silang poder sa organisasyon ang PNP.

Malungkot pero totoo ang sinasabi nitong si Lord Acton na “Absolute power corrupts absolutely”. Hindi na maitatago ang tatawagin nating “criminalization” ng PNP tulad nang pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo sa loob mismo ng headquarters nito. At ang CCTV ng 10 pulis sa tokhang for robbery extortion na napanood sa Senado.

Nandiyan pa ang pa-tuloy na pagtanggap ng “matics” sa mga opisyal ng PNP mula sa mga pambansang sindikato ng “jueteng” “masiao” at ngayo’y ilegal na droga. At karaniwang sangkot dito ay mga matatas na opisyal tulad ng Euro-generals at colonels.

Sobra na pong centralized ang kapangyarihan ng PNP. Bukod sa hindi nila kayang disiplinahin ang kanilang mga tiwaling tauhan, nagtatakipan pa silang magkakabaro.

Pero, ang pinakamasakit sa lahat, nawala nang tuluyan ang “check-and-balance grid” ng pulis at mga local officials sa ilalim ng demokratikong gobyerno.

Nasubukan na natin ang kasalukuyang PNP (1991) sa nakaraang 26 na taon. Ibalik na natin ang sistema ng PC-INP kung saan may “national police” at “local police” na magtutulungan at magbabantayan laban sa krimen. At bigyan ng mas malaki at mabigat na responsibilidad ang mga alkalde sa kanilang mga lugar sa isyu ng peace and order.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento at tanong, i-text ang pa-ngalan, edad, lugar at mensahe sa 09163025071 o sa 09999858606.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending