Negosyante sugatan sa pag-atake sa Puerto Princesa | Bandera

Negosyante sugatan sa pag-atake sa Puerto Princesa

- January 29, 2017 - 05:01 PM

palawan

SUGATAN ang isang kilalang lokal na negosyante matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Puerto Princesa kagabi, ayon sa pulisya.

Sinabi ng pulisya na binaril ang biktima na si Alexander Onghocgan, dating presidente ng Palawan Chamber of Commerce at aktibong lider ng lokal na business community, sa parking area ng AA Plaza Hotel, isang establisimiyento na pag-aari ng kanyang pamilya sa kabayanan ng Puerto Princesa City ganap na alas-11 ng gabi.

Sinabi ng mga imbestigador na apat na beses na binaril ang negosyante habang papalabas ng kanyang kotse.
Dinala ang biktima sa kalapit na Adventist Hospital matapos ang pamamaril. Nasa maayos na kalagayan na ang biktima.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pag-atake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending