UMATAKE ang mga pinaghihinalaang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa dalawang detachment ng Army sa mga bayan ng North Cotabato noong Sabado ng gabi at kaninang umaga.
Sinabi ni Supt. Romeo Galgo Jr, nagsasalita para sa pulisya sa Central Mindanao, na sinalakay ng hindi mabilang na mga miyembro ng BIFF ang detachment ng 7th Infantry Battalion sa kahabaan ng national highway sa Barangay Nalapaan, Pikit, bago maghating gabi kagabi.
Bagamat mas konti, nakipagbarilan ang mga sundalo at mga miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa mga BIFF, dahilan para umatras ang mga rebelde.
Wala namang napaulat na namatay sa bahagi ng gobyerno.
Bago nito, ganap na alas-9 ng gabi, inatake ng mga BIFF ang isang Army base sa Barangay Pagangan, Aleosan, North Cotabato.
Tumagal ang labanan ng 30 minuto.
Tatlong kilometro ang layo ng dalawang detachment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.