Robredo tinanggihan ang imbitasyon sa kanya sa Miss Universe— DOT chief | Bandera

Robredo tinanggihan ang imbitasyon sa kanya sa Miss Universe— DOT chief

- January 29, 2017 - 03:13 PM

robredo-0511-620x349

IGINIIT  ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na tinanggihan ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo ang imbitasyon sa kanya na dumalo sa 65th Miss Universe pageant sa Pasay City bukas.

“Robredo had turned downthe invitation of the Department of Tourism (DOT),” sabi ni Teo sa panayam sa DZMM.

Nauna nang iniulat na sinabi ni Robredo na hindi siya dadalo sa coronation dahil hindi siya imbitado.

Iginiit naman ni Teo na natagalan lamang ang imbitasyon kay Robredo dahil gusto ng DOT na bigyan ang bise presidente ng VIP ticket na noo’y wala pa.

“Tinurn down n’ya. Hindi raw makakapunta, ‘yun lang ang sinabi,” sabi ni Teo,

“Ininvite namin pero nag-bail out siya. Actually nagkagulo pa ‘yan kasi sabi niya, hindi siya inimbita,” paliwanag pa ni Teo.

Matatandaang hindi rin inimbitahan si Robredo sa pagtitipon sa Malacanang.

“Sabi ko honestly, siya ‘yung unang-una kong ni-list down noon kung sino ‘yung mga invited. Ang VP ang una kong kinonsider,” giit ni Teo.

Matagal na namang inihayag ni Teo na nakareserba na ang upuan para kay Pangulong Duterte bagamat hindi pa tiyak kung siya ay dadalo sa Miss Universe.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending