Win No. 10 target ng San Miguel Beer kontra TNT KaTropa | Bandera

Win No. 10 target ng San Miguel Beer kontra TNT KaTropa

Angelito Oredo - January 28, 2017 - 12:06 AM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Center)
3 p.m. Meralco vs Star
5:15 p.m. San Miguel Beer vs TNT KaTropa

PILIT na ipagpapatuloy ng back-to-back defending champion San Miguel Beermen ang pagdodomina sa PBA Philippine Cup sa pagsagupa nito sa TNT KaTropa Texters ngayon sa Ynares Center, Antipolo City.

Una munang magsasagupa ganap na alas-3 ng hapon ang Meralco Bolts at Star Hotshots bago ang paghaharap ng San Miguel Beer at TNT KaTropa dakong alas-5:15 ng hapon.

Pinakahuling pinalasap ng kabiguan ng Beermen ang Globalport Batang Pier, 106-100, para masungkit ang ikawalong sunod na panalo at siguruhin ang pinakaunang silya sa quarterfinals na may twice-to-beat na bentahe.

Inaasahang sasandigan muli ng Beermen, na puntiya ang ikasiyam na diretsong panalo at ikasampu sa kabuuan, sina Arwind Santos, Marcio Lassiter, June Mar Fajardo at Alex Cabagnot.

Huli ring tinalo ng Tropang Texters ang Batang Pier, 102-98, para sa ikalawang sunod nitong panalo at pag-angat sa 6-4 karta.

Pilit naman iiwas ang Hotshots, na nagawang umakyat sa ikatlong puwesto na may 5-4 kartada matapos hilahin pababa sa huli nitong laro ang Blackwater Elite, 111-95, sa posibleng upset win na inaasam maitala ng Bolts.

Matatandaan na diniskaril ng Bolts ang noon ay nasa ikalawang puwesto na Rain or Shine Elasto Painters, 82-72, upang mahablot ang ikatlong panalo sa 10 laro.

Nailaglag nito ang Elasto Painters sa 5-4 panalo-talong karta na pilit din nitong gagawin sa nagpipilit umakyat na Hotshots.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending