JAMES YAP di na puedeng lapitan o kausapin si KRIS…habambuhay
Parurusahan kapag nilabag ang utos ng korte
Bimby posibleng hindi na rin makita ng ama kahit kailan
Nakakalito ang mga balitang naglabasan noong Miyerkules ng gabi tungkol sa pagkakatalo ni Kris Aquino sa isinampa niyang Permanent Protection order laban sa dating asawang si James Yap.
Maging sa ibang pahayagan ay naulat ding, “Kris, talo kay James”, maging sa ilang social networking sites.
Ayon sa abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan ang temporary protection order na ibinigay dati kay Kris ng korte ay dapat nang ikansela dahil pinagbigyan na raw madalaw ng basketbolista si Bimby tuwing Miyerkules at Biyernes base sa desisyon ng korte noong Mayo 21. At dahil out of town si James ay sa Linggo na lang daw nito dadalawin ang anak.
Nabanggit pa ni Atty. Kapunan, “We will try to get soon a schedule to visit, if Kris or the yaya (will not allow it), it will clearly be contemptuous of court.”
Base naman sa panayam sa abogado ni Kris na si ex-Solicitor General Frank Chavez, wala pang kasiguraduhan ang inilabas na resolusyon ng korte, lalo na ang paglapit ni James sa anak nila ng Queen of All Media, pero ang permanent protection order para kay Kris ay final na.
“The issue regarding whether or not he can visit his son is not yet resolved with finality,” sabi ng pa abogado ng TV host-actress.
Noong Miyerkules nagpa-interview si Atty. Kapunan sa media, pero hindi raw nito nabanggit ang bumabang desisyon ng korte noong Mayo 24 patungkol sa PTO kay Kris?
Base pa sa nakuha naming balita, “Actually, panalo si Kris sa PPO na hiniling niya sa korte. James is not allowed to come near to Kris, James is not allowed to talk about Kris or malign her for the rest of their lives. At hindi totoong ibinasura ang protection order.
“James is allowed to see Bimby because the judge did feel that with proper counseling they can rebuild their relationship at okay lang iyon kay Kris dahil ayaw naman niyang i-deprive ang anak niya na maging malapit sa ama at magkaroon sila ng father and son relationship.
“But the judge did see merit in Kris accusations and evidence that James was abusive towards her sa mismong pamamahay niya (Kris). Sana lang ilabas din ng kampo ni James ang buong kuwento,” sabi ng aming source.
Kailangang sundin ni James ang mga sumusunod na order ng korte tulad ng, “Committing or threatening to commit physical harm upon petitioner Kristina Bernadette C. Aquino, causing or attempting to cause petitioner to engage in any sexual activity, though not constitutive of rape, by force, threat and intimidation and causing and attempting to cause mental or emotional anguish to petitioner Kristina Bernadette C. Aquino, including but not limited to repeated verbal and emotional abuse.”
Nabanggit din ng aming source na ayaw nang magsalita o magbigay pa ng pahayag ni Kris tungkol dito para matapos na ang lahat sa pagitan nila ng dating asawa, “Kris wants to go on with her life in peace. Pero sana lang sabihin ng kampo ni James ang totoo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.