Aljur sinisi sa biglaang pagbubuntis ni Kylie | Bandera

Aljur sinisi sa biglaang pagbubuntis ni Kylie

Cristy Fermin - January 25, 2017 - 12:05 AM

aljur abrenica at kylie padilla

GASGAS na ang linya pero napapanahon pa ring gamitin kapag ang paksang pinagtatalunan ay tungkol sa pagdadalantao ng isang artista sa isang panahong hindi inaasahan ng marami.

Inuupakan ang lalaki, ito ang sinisisi sa pagdadalantao ng kanyang karelasyon, napakabilis ng paghusga na sinira niya ang buhay at kinabukasan ng kanyang girlfriend.

Kung kailan daw namamayagpag ang career ng babae ay saka pinagsamantalahan ng lalaki ang pagkakataon, sayang na sayang daw ang kasikatan ng babae, ang lalaki raw ang dapat sisihin sa pangyayari.

Ang gasgas nang linya—it takes two to tango. Pareho nilang ginusto ang naganap. Hindi isa lang ang may gusto, hindi isa lang ang nagdesisyon, dalawa sila.

Sa pinagpipistahang kuwento ngayon ng diumano’y pagdadalantao ni Kylie Padilla na si Aljur Abrenica ang itinuturong ama ay wala nang saysay ang pagsisisihan.

Kung totoo man ang kuwento ay hindi dapat ibunton ang sisi kay Aljur dahil pareho naman nilang ginusto ni Kylie ang paglulunoy sa pisikal na kaligayahan. Kung sana’y naganap ‘yun sa sapilitang paraan.

Pero lantad naman ang pagsasabi ni Kylie na mahal niya si Aljur, ang dahilan kung bakit siya nakipagbalikan sa aktor, kaya nasaan ang problema?

Pagaanin na lang dapat ng mga ito ang kalagayan ni Kylie, suporta ang kailangan niya ngayon, hindi ang paninisi sa taong mahal niya at magiging ama ng anak niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending