Mr.Pastillas may malisya kay Ellen Adarna: Lalo na pag naka-bikini s'ya! | Bandera

Mr.Pastillas may malisya kay Ellen Adarna: Lalo na pag naka-bikini s’ya!

- January 22, 2017 - 12:05 AM

richard parojinog

MULA sa pagiging online sensation at isa sa favorite loveteam ng madlang pipol sa noontime show ng It’s Showtime dahil sa tambalan nila ni Pastillas Girl Angelica Yap, nagbabalik ngayong 2017 si Mr. Pastillas bilang si Chard Parojinog bilang singer.

Special guest last Wednesday sa “#ShowbizLive” (napapanood at napapakinggan sa Inquirer Radio/TV at sa Facebook Live ng Inquirer.Net at Bandera), hosted by Ervin Santiago and Izel Abanilla, si Chard to promote his latest single, “Puso.”

Nagkuwento ang binata tungkol sa mga pagbabago na naranasan niya matapos makuha ang Mr. Pastillas title.

“Nakikilala na rin po kahit paano, may nagpapa-picture na. Parang hindi pa nga rin ako sanay sa mga ganu’n,” kuwento niya.

Ayon kay Chard, bago siya nakilala ay nagsisimula na siyang mag-apply sa mga hotels bilang graudate nga siya ng HRM. Fresh grad pa siya noon. Sa Twitter lang daw siya nag-audition para sa Search for Mr. Pastillas ng Showtime.

Nang matanong kung na-pressure ba siya noong panahong sila ni Pastillas Girl ang ipinangsasabong sa AlDub loveteam sa Eat Bulaga, “Siyempre po, meron, pero sa amin naman, ginagawa lang namin ‘yung magpapasaya sa madlang pipol that time.”

Paano naman nila hinarap ang matinding pamba-bash noon sa kanila ni Pastillas Girl?

“Madami po sobra ‘yung pamba-bash sa amin. Lalo na kay Angel (Angelica). Ang sa amin lang para mapasaya lang ang madlang pipol, walang halong kumpetisyon. Kung saan ‘yung ikakasaya ng mga tao du’n lang kami. Wala sa isip ko ‘yung mga kumpetisyon kumpetisyon.”

Minsan sumasagot daw siya sa mga basher kapag below the belt na talaga pero mas madalas daw na tumatahimik na lang siya.

Sa totoo lang, hanggang date lang daw talaga ang inabot ng relasyon nila ni Pastillas Girl. Pero dahil na rin siguro sa pagiging busy sa kanilang respective career and what not ay hindi nagkatuluyan ang dalawa, “We just decided to just stay friends.” sabi ni Chard.

Pinabulaanan din niya na fake lang ang pagde-date nila tulad ng pinalabas ng kanilang bashers. Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin sila ni Angelica at nagte-text pa rin daw sila.

“Parang we decided to stay friends. Kasi after ng incident sa mommy niya (pinatay) parang nag-focus siya sa career niya,” kwento ni Mr. Pastillas.

Back to his new single, nagpasalamat si Chard sa kanyang manager na si Dominic Rea sa chance na magkaroon ng new path sa kanyang career sa pamamagitan nga ng kanta niyang “Puso.”

“‘Yung ‘Puso’ is about parang pinipilit niyang katukin ang puso ng isang tao o ng isang babae na kalimutan na ‘yung mga nakaraan niya, na dito ka na lang siya sa akin,” eksplika ni Chard tungkol sa nasabing kanta.

Pop na medyo upbeat ang “Puso” na live na live niyang kinanta sa “ShowbizLive” na pinuri ng mga loyal viewers and listernes ng programa nina Ervin at Izel. Bukod sa single na ito ay meron ding mga cover songs si Chard sa YouTube.

May nagtanong mula sa mga nanonood kung may balak bang mag-venture si Chard sa acting at nasabi nga ng binatang singer na nag-a-undergo na siya ngayon sa acting workshops. In fact, dream niya na makatrabaho si Liza Soberano na crush na crush niya among our local female stars.

Tanong naman ng isang fan niya kung may hugot ba siya sa kantang “Puso”?

“Whenever I sing naman kasi dapat isapuso mo naman ang kanta even if hindi mo naman nararamdaman ‘yung mga ganung bagay,” aniya.

Single pa rin hanggang ngayon si Mr. Pastillas at ayon sa kanya, ang loyal supporters and family niya ang inspirasyon niya. Para sa fans, available na sa iTunes at iba pang digital/internet music stores ang “Puso” at malapit na ring ilabas ang music video nito.

Quickie talk with Chard Parojinog
Boxers or briefs? Briefs

Tisay or Morena? Morena

Maganda pero slow o tsaka pero intelligent? Pwede or? Hahahaha!

Long hair or short hair? Long hair

Quickie or foreplay? Quickie

Bedroom or comfort room? Comfort room para mas may adventure

Halik o yakap? Yakap ang kailangan ko!

Kung ulam ka ano ka? Menudo. Madaming rekado!

Masaya ako pag ____? Masaya ang pamilya ko.

Gustong gusto kong mag ____ sa gabi? Manood ng TV sa gabi.

Unang ginagawa pag gising? Nagpapasalamat sa Diyos.

Huling ginagawa bago matulog? Mag-Facebook

Idol na idol ko si ___? Forever idol ko si Liza Soberano eh!

Three sexiest women sa local showbiz? Anne Curtis, Ellen Adarna at Jessy Mendiola

Kung bibigyan ka ng powers anong unang iso-solve mong problema sa Pilipinas? Korupsyon

Yes or no, Same sex marriage? Yes

Divorce? Yes

Compulsory drug test sa showbiz? Yes

Pre-Marital sex? Yes

Tahimik or maingay? Katamtaman lang

Mahinhin or agressive? Mahinhin

What do you do when you’re angry? Tahimik lang po ako.

Duterte o De Lima? Duterte

Most effective way to get a chick? Kindat-kindat

Bad habit you want to quit? Eating! Ha-hahaha! Hindi, malakas ako mag-social media talaga.

Papaya or pakwan? Pakwan

Most beautiful girl in showbiz? Liza Soberano

Most handsome man in showbiz? Piolo Pascual

Bea Alonzo or Angel Locsin? Bea Alonzo

Pabor ka ba sa pamimigay ng condoms sa kabataan? Opo. To avoid early pregnancy.

Boobs or butt? Butt

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bare or bushy? Bushy? Ha-hahaha!

I hope to get stuck in an island with ____? Ellen Adarna na naka-two piece. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending