Action-drama movie ni Matteo isasali sa int’l filmfest | Bandera

Action-drama movie ni Matteo isasali sa int’l filmfest

Ambet Nabus - January 21, 2017 - 12:10 AM

matteo guidicelli

MAHIRAP paniwalaan na isang indie movie ang “Across The Crescent Moon.”

Bukod kasi sa mukha itong ginastusan at hindi tinipid sa produksyon, malalaki at kilala ang mga bida rito sa pangunguna ni Matteo Guidicelli.

Big break ito for Mat as an action star dahil bilang isang SAF member na Muslim na nakapa-ngasawa ng isang Kristiyano, masusubukan ang husay niya sa paghawak ng baril at pakikipaglaban sa mga kontrabida.

Ayon sa direktor nitong si Baby Nebrida, tatlong buwan ang kanilang hinintay para makuha lang si Matteo, “It’s all worth the wait,” sey nito during the presscon na dinaluhan din ng iba pang cast tulad nina Dina Bonnevie at Christopher de Leon.

Kasama rin sa “Across The Crescent Moon” sina Gabby Concepcion, Leo Martinez, Jason Abalos, Joem Bascon at marami pang iba.

Sinadya nilang gawing English ang title dahil plano nga nila itong iikot sa labas ng bansa at ipalabas sa mga international film festival.

And with such casting na halos lahat ay English speaking (lalo na yung mga newbies na mga sosyal at mayayaman), alam mong pinaghandaan at kinarir ang paggawa ng action-drama film na ito.

Showing na ang “Across The Crescent Moon” ngayong Jan. 25 sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending