Kailan dapat i-regular ang isang project based worker?
TANONG ko lang po sa DOLE, napasok po ako bilang aircon technician. May kontrata po ako at nakasaad po roon na project based daw po ako. Ano po ba ng ibig sabihin ng project based? May chance po ba akong maregular? Kadalasan daw po nata-tapos ang project ng tatlong buwan then renew daw po uli ng kontrata. Legal po ba ito? Salamat po
Rey Valdez
Brgy Tunasan, Muntinlupa
REPLY: Para sa iyong katanungan Rey gusto ko lang sanang malaman kung anong project based ba itong tinutukoy mo?
Ang terminong project based worker ay depende sa kung hanggang kailan ang proyekto na
ibinigay sa kanya?
Para sa iyong katanungan kung pupwede kang maregular ? Depende sa kompanya ang pag regular ng isang project-based worker. Kung inaakala ng kompanya na kakailanganin nila ang serbisyo nang matagalan, maaaring iregular ka nito.
Sa iyo namang katanungan kung legal ba ang paulit-ulit na pag renew ng kontrata para sa isang project-based na trabaho gaya nang pagiging aircon technician, kailangan kinakailangan na ikaw ay maregular na.
Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan.
Thank you.
Celeste T. Maring
Labor
Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.