Duterte nakipagpulong sa bagong US Ambassador | Bandera

Duterte nakipagpulong sa bagong US Ambassador

- January 15, 2017 - 06:15 PM

rodrigo duterte

NAKIPAGPULONG  si Pangulong Duterte  kay bagong US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa Panacan, Davao City.

Sinabi ng Palasyo na posibleng imbitahan ni Kim si Duterte para dumalo sa inagurasyon ni US President Donald Trump sa Enero 20.

Ito’y sa kabila ng pahayag ni Communications Secretary Martin Andanar na walang balak pumunta si Andanar sa inagurasyon ni Trump.

Matatandaang inaway noon ni Duterte ang pinalitan ni Kim na si dating US ambassor to the Philippines Philip Goldberg kung saan tinawag niya ang huli na “gay.”

Kasabay nito, inilunsad  ni Duterte ang nakatakdang pagho-host ng Pilipinas  sa Association of Southeast Asian Nation (Asean) summit kung saan nanawagan ang pangulo sa pakikiisa ng lahat para matiyak ang tagumpay nito.

“In this journey, I call on all Filipinos to take an active and constructive part during the Philippines’ Chairmanship of ASEAN. Now, more than ever, it is our spirit of bayanihan”that has helped define us as a responsible leader of our region during this crucial time,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos ang paglulunsad ng Asean summit sa Davao City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending