Alden napilitan nang magpa-confine sa ospital, pero hindi na pinadalaw si Maine | Bandera

Alden napilitan nang magpa-confine sa ospital, pero hindi na pinadalaw si Maine

Jun Nardo - January 14, 2017 - 12:01 AM

maine mendoza at alden richards

NAOSPITAL si Alden Richards ayon sa isang taong malapit sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit wala siya kahapon sa Eat Bulaga.

Sa tweets na nabasa namin sa hashtag #ALDUBMotivated, napakaraming nag-get well soon sa Pambansang Bae. May quotes pa mula sa Bibliya na i-heal si Alden.

Sa tweet naman ni Nelson Canlas ng 24 Oras Weekend hindi naman daw grabe ang sakit ni Alden, “Just talked to a very reliable source. Don’t panic, guys. @aldenrichards02 is ok. Nilagnat lang daw kagabi kaya nagpa-check up. He’s resting lang daw. Send him your love. Get well soon, RJ.”

Sabi naman ng isang fan nina Alden at Maine Mendoza, “Si Maine ang nagpilit niyan na magpa-check up si Alden, pero si Alden ang nagpilit na wag na siyang sumama sa ospital dahil down din ang resistance ni Maine. Kita nyo naman sa EB, me sakit din si Maine! Now alam nyo na nangyari. Even in sickness, they care for each other!”

Ratsada na rin kasi sa taping ng Destined To Be Yours sina Alden at Maine kaya kailangang magpagaling agad ang binata dahil kasama pa siya sa isang show sa Amerika sa Jan. 22.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending