Ikapitong sunod na panalo asinta ng San Miguel Beermen | Bandera

Ikapitong sunod na panalo asinta ng San Miguel Beermen

Angelito Oredo - January 13, 2017 - 12:05 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. NLEX vs GlobalPort
7 p.m. San Miguel Beer vs Rain or Shine
Team Standings: San Miguel Beer (7-1); Rain or Shine (5-2); GlobalPort (4-3); TNT KaTropa (4-3); Alaska (4-3); Phoenix Petroleum (4-4); Blackwater (4-4); Star (3-4); Barangay Ginebra (3-4); Mahindra (2-5); NLEX (2-5); Meralco (2-6)

IKAPITONG sunod na panalo ang hangad ngayon ng nagtatanggol na kampeon San Miguel Beermen sa pagsagupa nito sa pumapangalawang Rain or Shine Elasto Painters sa tampok na salpukan sa eliminasyon ng 2017 PBA Philippine Cup na gaganapin sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Unang magsasagupa ganap na alas-4:15 ng hapon ang nanganganib mapatalsik na NLEX Road Warriors at ang nasa ikatlong puwesto na GlobalPort Batang Pier bago ang inaasahang maigting na paghaharap ng Rain or Shine (5-2) at San Miguel Beer (7-1) alas-7 ng gabi.

Kapwa asam ng Beermen, na itataya ang anim na sunod na pagwawagi, at Elasto Painters, na may dalawang sunod na panalo, sa kanilang paghaharap ang unang dalawang silya na may twice-to-beat advantage.

Asam naman ng GlobalPort, na nasa tatlong koponang pagtatabla sa ikatlong puwesto na may 4-3 panalo-talong karta, na masiguro ang silya sa quarterfinals sa pagsagupa nito sa NLEX na pilit bubuhayin ang tsansa na makaagaw ng silya sa huling walong koponan.

Sigurado na sa last eight ang Beermen habang pilit ookupahin ng Elasto Painters ang ikalawang puwesto habang aasam ng playoff ang Batang Pier sa pakikipagharap nito sa Road Warriors.

Huling binigo ng Beermen ang Barangay Ginebra Kings, 72-70, Linggo ng gabi habang tinambakan ng Elasto Painters ang Phoenix Petroleum Fuel Masters, 97-82, noon ding Linggo.

Asam naman ng Batang Pier ang ikalawang sunod na panalo matapos na talunin ang Meralco Bolts, 97-89, habang pinatumba ng NLEX ang TNT KaTropa Texters, 110-98, noong Sabado sa Angeles City.

“We are hoping to build momentum from our big win versus TNT. GlobalPort is more balanced this season than in the past. It’s not just about (Terrence) Romeo and (Stanley) Pringle anymore. They have other weapons now in their arsenal. KG (Canaleta) and JR (Quinahan) have blended well with their star guards,” sabi ni NLEX coach Yeng Guiao.

“We have to stop them as a team and shoot as good as we did in our last game. We just want to keep our chances alive for as long as we can,” sabi pa ni Guiao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending