Banta ng pambobomba sa Itim Na Nazareno kinumpirma | Bandera

Banta ng pambobomba sa Itim Na Nazareno kinumpirma

- January 05, 2017 - 03:08 PM
download (19) KINUMPIRMA ni  Interior Secretary  Ismael Sueno ang bantang terorismo sa pagdiriwang ng Pista ng Itim Na Nazareno kung saan itinuro niya ang Maute Group na  nasa likod nito. “Well, ang threat alam niyo naman, ‘yung Maute group at tsaka ‘yung maybe ang Abu Sayyaf ‘no, but mainly the Maute group. They are connected with the ISIS,” sabi ni Sueno sa isang briefing sa Malacanang. Idinagdag ni Sueno na hindi rin inirerekomenda ng pamahalaan ang kanselasyon ng taunang selebrasyon. “No, I do not think that the government will advise for the cancellation of this traditional practice, which has long been done since how many years ago,” ayon pa kay Sueno. Nauna nang inihayag ng Armed Forces na tatanggalin ang signal ng cellphone sa pagdiriwang ng Itim Na Nazareno sa Lunes. “So, we will just try our best to really keep our people safe. This is why we have the PNP (Philippine National Police), the military, and the other armed groups in our government to really help contain the — or maintain peace and order and keep our people safe because we heard there will be out 18 million, from 15 million to 18 million who will participate. This is a very big event ‘no,” ayon pa kay Sueno. Kasabay nito, ikinatuwa ni Sueno ang pagkakapatay  sa isang lider ng teroristang grupo na Khalifa group, na si Commander Tokboy matapos ang engkuwentro sa  Kitagas, Kiamba, Sarangani. “Khalifa is somehow rumored to be connected with the ISIS group. So ‘yun lang baka mag-retaliate, iyon ang problema natin ‘yung retaliation. That’s why you have to double, triple our preparations sa security,” ayon pa kay Sueno.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending