Itatatag, MP ng mga pulis | Bandera

Itatatag, MP ng mga pulis

Ramon Tulfo - January 03, 2017 - 12:10 AM

TAON-TAON, tuwing pagpasok ng Bagong Taon ay maraming nasusugatan ng paputok.
Por Dios, por santo, di na ba sila natututo?

Ano ba ang nararamdaman ng nagpapaputok na rebentador? ang ingay?

Bakit, di ba nagagawa ng mga kaldero na pinupukpok o torotot ang mag-ingay sa Bagong Taon upang palayasin diumano ang mga masasamang espiritu?

Bakit ilalagay sa panganib ang daliri o buhay sa pagpapaputok ng firecracker na every year ay dinadagdagan ang powder charge kaya’t mas lalong lumalakas ang putok.

Ang mga pangalan na lang ng mga paputok ay nakakatakot na: Super Lolo, Atomic Bomb, Sawa, Judas Belt, Goodbye Philippines at Goodbye De Lima.

Hindi ba kagaguhan ito?

Naisulat ko na ito, pero uulitin ko sa mga hindi pa nakabasa noong isinulat ko dito sa column ko noon pa.

Isang kakilala ko ang nawasak ang bibig at nalagas ang mga ngipin nang maputukan siya ng rebentador sa kanyang bibig.

Paano nangyari ito?

Nakipag-inuman siya sa kanyang mga kaibigan at kapamilya at nalasing siya.

Sinisindihan niya ang paputok ng kanyang sigarilyo.

Dahil sa kalasingan, ang kanyang naitapon ay ang sinindihang sigarilyo at isinubo ang picollo, na korteng sigarilyo, sa kanyang bibig.

Ang karamihang nabibiktma sa paputok sa New Year’s Eve ay mga bata.

Ito ay dahil sa kapabayaan ng mga magulang nila.

Ang mga magulang din kasi ang ginagaya ng mga bata.

Sa darating na New Year’s Eve revelry this year and 2018, wala nang paputok.

Ipagbabawal na ni Pangulong Digong ang paputok gaya nang ginawa niya sa Davao City.

Sa Davao City, noong si Digong ay naging mayor ng maraming taon, walang nasusugatan sa paputok dahil bawal ang pagpapaputok ng rebentador.

Maaaring mag-ingay sa siyudad pagsapit ng Bagong Taon sa pamamagitan ng pagkaladkad ng mga nakataling kaldero o lata na hinihila ng kotse.

Mga torotot ay hindi pinagbabawal sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Davao City.

Kung nagawa sa Davao City, bakit hindi sa buong bansa?

Pinagbigyan daw ni Mano Digong ang mga firecracker manufacturers upang ubusin ang kanilang stocks para sa pagsalubong ng taong 2017.

Pero yan ay huli na dahil sa New Year’s Eve revelry this year, ipagbabawal na ang paputok.

Nakapagtataka nga na pinagbigyan pa ni Mano Digong ang mga firecracker manufacturers.

May ilang napatay sa pagsabog ng firecrackers factory sa Bocaue, Bulacan bago mag-New Year.

Dapat nga ay nagmatigas si Digong sa pagbawal ng paputok sa pagsalubong ng taong 2017.

Kung meron kayong alam na pulis na nagpaputok ng baril sa pagsalubong ng taong 2017, isumbong ninyo sa akin.

Ang email address ay [email protected] o tumawag sa aming hotline sa landline 470-1750 to 55 o sa cellphone 0998-792-6304.

Hindi namin ibubunyag ang inyong pangalan.

Ipapasa namin ang inyong reklamo kay Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang chief ng Philippine National Police.

Dapat itiwalag sa serbisyo ang tatlong sundalo sa Mindoro na nagpaputok ng kanilang mga baril noong pagsapit ng Bagong Taon.

Ang tatlong mokong, na tiyak ay lasing noon, ay sina Pfc Kevin Fajilagutan, John Rey Calansa at Leonardo Magro, pawang mga nakatalaga sa 514th Engineering Construction Battalion ng 51st Engineering Brigade.

Ngayon lang may balita na mga sundalo ay nagpaputok ng kanilang baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Na karaniwan na ang balita na pulis ay nagpaputok.

Ang mga sundalo kasi ay mas disiplinado kesa mga pulis.

This year, magtatatag si Interior Secretary Mike Sueno ng isang puwersa ng mga pulis na mag-aaresto ng mga pulis na pasaway.

“Parang MP o military police ng Armed Forces,” ani Sueno sa pakikipag-usap ko sa kanya sa telepono kahapon.

Hindi nasabi ni Sueno sa inyong lingkod kung paano paiiralin ang pag-aaresto sa mga tiwaling pulis.

Halimbawa, may sasakyan ba ang mga pulis-MP at nagpapatrolya upang alamin na nasa kani-kanilang puwesto o istasyon ang mga pulis.

Panahon na upang may nagpupulis o nagbabantay sa kapwa nila pulis.

Karamihan sa mga pulis na nakasakay sa mobile o patrol cars, halimbawa, ay nakaparada sa isang madilim na sulok at natutulog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami na akong nakitang pulis na bising-bisi sa kaka-text sa halip na magmasid sa paligid habang sila’y nagpapatrolya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending