Camille ipinagdasal ang pagdating ng ika-2 asawa
HINDI na makapaghintay ang ilang Kapuso fans and social media followers ni Camille Prats sa kanyang upcoming wedding with her fiance na si John Yambao.
Recently kasi sinabi ng mahusay na aktres at host ng MARS (sa GMA News TV) na isa ang kanyang boyfriend sa mga main blessings na natanggap niya ngayong taon.
Ayon kay Camille, hindi lang daw siya ang minahal ni John kundi pati na rin ang kanyang anak. Sey nga ng Kapuso TV host-actress, hindi siya nagkamali nang sagutin niya ng “yes” si John nang mag-propose ito. Ipinagdasal din daw niya ang pagdating nito sa buhay nilang mag-ina.
Masaya kami for Camille kaya naman sure kami na isang happy ending ang meron sa kanila.
Congratulations in advance, Camille!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.