Mr. Official ready masibak sa posisyon dahil alam na ipupuwesto siya uli ni Digong | Bandera

Mr. Official ready masibak sa posisyon dahil alam na ipupuwesto siya uli ni Digong

Den Macaranas - December 30, 2016 - 12:10 AM

MATANGGAL man sa kanyang kasalukuyang pwesto ang isang pinuno ng isang kontrobersiyal na government agency ay alam naman daw niyang muli siyang mabibigyan ng posisyon sa administrasyon.

Alam ni Mr. Official na masyadong mainit ang kanyang pwesto kaya marami ang nag-aambisyon na ito ay sungkitin mula sa kanyang pamumuno.

Sa simula pa lamang ng panunungkulan ng administrasyong Duterte ay marami na ang nagtaka kung bakit niya inilagay bilang pinuno ng ahensya ang opisyal na ito na nanggaling rin sa ibang sangay ng pamahalaan.

Malayong-malayo kasi ito sa expertise ng opisyal na ngayon ay humahawak ng isang executive position.

Sinabi ng ating Cricket na ito raw kasi ang reward na ibinigay sa kanya ng pangulo makaraan ang kanyang pagtulong noong panahon ng kampanya.

Isang juicy position sa pamahalaan pero umaapaw naman dito ang mga isyu ng graft and corruption.

Hindi masasabing corrupt si government official pero ang problema ay hindi rin niya kayang patakbuhin nang maayos ang kanyang tanggapan kaya lagpak ang performance nito ayon sa ilang eksperto.

Bukod sa wala siyang techinical know-how sa ahensya na pinamumunuan niya ay napapaligiran rin siya ng mga maling tao na karamihan ay hinugot niya mula sa grupo na kanilang kinaaniban.

Sinabi ng ating Cricket na handa naman daw si Mr. Official na maalis sa pwesto pero umaasa naman siya na mapapalitan ito ng posisyon na pasok sa kanyang kasanayan.

Si Mr. Official din ang pambala ng administrasyon laban sa isang kilalang mambabatas na kritiko ng administrasyon.

Minsan na rin siyang tinaguriang “neutralizer” sa loob ng administrasyong Duterte lalo na ng umugong ang mga balita ng kudeta.

Bihira rin ang nakakasundo ng opisyal na ito sa kanyang tanggapan dahil daig pa raw niya ang ipinaglihi sa sama ng loob dahil hindi siya marunong mag-smile man lamang.

Pakiramdam daw kanyang mga tauhan ay laging mainit ang ulo ni Sir na parang laging naghahanap ng away.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang opisyal ng pamahalaan na nakatakdang sibakin sa posisyon dahil sa poor performance ng kanyang tanggapan ay si Mr. N…as in Niknok.
May tanong o komento o kaya ay meron kayong wacky na kwento na gustong i-leak sa amin? Mag-email sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending