MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan. Tanong ko lang po kung anong benepisyo ang maaaring makuha ng mga nagtatrabaho na nagkaroon ng kapansanan.
Ang uncle po ay empleyado sa isang pagawaan ng makina. Nadisgrasya po siya at naputulan ng isang braso dulot na rin po ng kanyang trabaho. Tanong ko lang po kung pwedeng makakuha ng benepisyo ang uncle ko at ano po ang dapat niyang gawin?
Malaking tulong po ang makukuha ng uncle ko pambili ng maintenance na gamot. Paano po ba mag-apply ng benefits?
Aldrin Ignacio
REPLY: Ang Employees’ Compensation Program (ECP)ay hindi lamang pinabubuti ang pagbibigay ng mga benepisyo sa mga nagtrabahong nagkaroon ng kapansanan na mga manggagawa (ODW) subalit nagbibigay rin ng kasiguruhan na mabigyan sila ng normal na buhay at pamumuhay.
Kapag ang ODW ay natingnan na ng ECC doctor on duty, sisiguruhin ng ECC ang koordinasyon ng serbisyo sa pamamagitan ng employees compensation.
Nagsisimula ang provision of occupational or physical therapy sa pagbibigay ng prosthesis
upang mapanumbalik ang lakas ng panga-ngatawan at kapabilidad ng ODWs sa kanyang kaalaman at natutunan o kaya ay sa kanyang pangkabuhayang pagsasanay sa pamamagitan ng starter kit.
Kung sakali man at gugustuhin ng ODW na magkaroon ng maliit na negosyo o kaya ang negosyo nila sa kanyang tahanan, ang mga katulad na serbisyong ganito ay pinangangasiwaan ng ECC, katulong at gabay sa manggagawang may kapansanan (Kagabay Program).
Sa lahat ng mga serbisyong ito, ang mga ODW ay maaring makakuha ng “The Special Program for Employment of Student” sa panahon ng kapaskuhan at bakasyon.
Maaaring magtungo sa pinakamalapit na sa-ngay ng SSS para mag-file ng benefits.
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy director
Employees Compensation Commission
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.